Kasaysayan ng mga Chapbuk

Kalagitnaan ng 2003 nang lumitaw sa isang talakayan sa grupo ang paglalabas ng isang koleksiyon ng mga tulang napapaskil doon. Sinuportahan ito ng karamihan sa pinakaaktibong mga kasapi, ngunit bibilang pa ng ilang buwan bago mailabas ang kauna-unahang koleksiyon ng Kilometer 64 – isang polyeto ng mga tulang anti-imperyalista, na sadyang inilathala bilang ambag ng Kilometer 64 sa kilos-protesta laban sa pagbisita sa Pilipinas ni George W. Bush, pangulo ng Estados Unidos, noong Oktubre ng taon ding iyon. Sinundan ito ng paglalabas ng chapbook na Road Test noong Nobyembre ng taon ding iyon, at noong Disyembre nama’y ng isang polyeto hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Estados Unidos at Macapagal-Arroyo.

Sinundan ito ng chapbook na Ped Xing noong Enero 2004.

Sa pagpasok ng Pebrero 2004, inilabas ng Kilometer 64 ang M.U., isang chapbook na sadyang pag-ibig ang tema. Bagama’t marami rito ang mga tulang humango ng ideya mula sa popular na mga kantang pag-ibig at maging sa mga Hallmark greeting card marahil, hindi naman nagpahuli sa chapbook na ito ang mga tulang impluwensiyado o inspirado ng mga progresibong kantang pag-ibig mula sa album na Rosas ng Digma (Musikangbayan) at sa mga tulad nina Joey Ayala (“Walang Hanggang Paalam”), Gary Granada (“Kasama,” “Iisa,” “Kapag Sinabi Ko sa Iyo”), at Lei Garcia (“If I Say I Love You”).

Dalawang chapbook pa ang ilalabas ng Kilometer 64 sa 2004: ang Chacha: Sayaw sa Bubog (Hulyo) at ang Please Fasten Your Seatbelt (Setyembre/Oktubre). Nobyembre 2004 nang ilabas ng Kilometer 64 ang kauna-unahan nitong aklat: ang 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataaan. Binubuo ito ng mga tula mula sa 40 makata na gumugunita at nagpaparangal sa mga martir ng makabayan at makademokrasyang kilusang kabataan mula 1964 hanggang 2004.

Kalagitnaan ng 2003 nang lumitaw sa isang talakayan sa grupo ang paglalabas ng isang koleksiyon ng mga tulang napapaskil doon. Sinuportahan ito ng karamihan sa pinakaaktibong mga kasapi, ngunit bibilang pa ng ilang buwan bago mailabas ang kauna-unahang koleksiyon ng Kilometer 64 – isang polyeto ng mga tulang anti-imperyalista, na sadyang inilathala bilang ambag ng Kilometer 64 sa kilos-protesta laban sa pagbisita sa Pilipinas ni George W. Bush, pangulo ng Estados Unidos, noong Oktubre ng taon ding iyon. Sinundan ito ng paglalabas ng chapbook na Road Test noong Nobyembre ng taon ding iyon, at noong Disyembre nama’y ng isang polyeto hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Estados Unidos at Macapagal-Arroyo.

Sinundan ito ng chapbook na Ped Xing noong Enero 2004. Sa pagpasok ng Pebrero 2004, inilabas ng Kilometer 64 ang M.U., isang chapbook na sadyang pag-ibig ang tema. Bagama’t marami rito ang mga tulang humango ng ideya mula sa popular na mga kantang pag-ibig at maging sa mga Hallmark greeting card marahil, hindi naman nagpahuli sa chapbook na ito ang mga tulang impluwensiyado o inspirado ng mga progresibong kantang pag-ibig mula sa album na Rosas ng Digma (Musikangbayan) at sa mga tulad nina Joey Ayala (“Walang Hanggang Paalam”), Gary Granada (“Kasama,” “Iisa,” “Kapag Sinabi Ko sa Iyo”), at Lei Garcia (“If I Say I Love You”). Dalawang chapbook pa ang ilalabas ng Kilometer 64 sa 2004: ang Chacha: Sayaw sa Bubog (Hulyo) at ang Please Fasten Your Seatbelt (Setyembre/Oktubre). Nobyembre 2004 nang ilabas ng Kilometer 64 ang kauna-unahan nitong aklat: ang 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataan. Binubuo ito ng mga tula mula sa 40 makata na gumugunita at nagpaparangal sa mga martir ng makabayan at makademokrasyang kilusang kabataan mula 1964 hanggang 2004. Sa mga makatang may representasyon sa nabanggit na aklat, 17 ang kasapi mismo ng Kilometer 64 at ang iba’y mga kaibigan ng grupo, kabilang ang ilang bantog na nakatatandang manunulat tulad nina Dr. Bienvenido Lumbera, Jesus Manuel Santiago, at Dr. Domingo Landicho. Dalawa sa mga tula sa aklat na ito ang akda ng mga manunulat na sumakabilang-buhay na: ang “Enrique Sta. Brigida, Paghahatid sa Imortalidad” ni Amado V. Hernandez at ang “Sa Alaala ni Nick Solana” ni Emmanuel Lacaba. Subalit sa bilangan ng tulang naiambag ng bawat isa, lumilitaw na higit sa kalahati ang bilang ng mga tulang galing sa Kilometer 64.Enero 2005 nang ilabas ng Kilometer 64 ang Kabyawan, isang chapbook ng mga tula tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita at sa kanilang lubhang malalagim na karanasan sa pambubusabos at pandarahas. Magkakaroon ito ng ikalawang edisyon pagdating ng Marso, at ngayon pa’y iminumungkahi na ng ilang kasapi – sina Casia, Alexander Martin Remollino, at Francis Capistrano – ang paglalabas ng ikatlong edisyon nito. Samantala, sa isang poetry reading na inorganisa ng Kilometer 64 noong Pebrero 2005, namahagi ang grupo ng mga kopya ng tula ni Remollino laban sa panukalang dagdag sa value-added tax o VAT.Isang matagal nang pinagpaplanuhan ng Kilometer 64, ang Tulagalag (Mga Tulang Lagalag) – na dapat ay katatampukan ng mga tulang ipinapaskil sa mga pooste at pader sa anyong poster ang hindi matuluy-tuloy liban sa pagiging bahagi ng mga pagtatanghal ng grupong Neo -Angono nina Richard Gappi at Tata Raul Funilas noong Nobyembre 2004.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: