ACTIVITIES

Ang mga publikasyon ng Kilometer 64 ay nakatulong nang malaki upang umakit ng pansin ng ibang grupo ng mga artista at aktibista o ng mga artistang aktibista. Naimbitahan ang grupong magtanghal sa mga aktibidad ng mga organisasyong ito.Kabilang sa mga ito ang Neo-Angono, Karapatan, Kilusang Mayo Uno (KMU), Anak ng Bayan Youth Party (AnB), Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula), Bulong Multi-Media Artists Collective, Matanglawin, Ateneo Literary Society, Dulaang Katig, Musicians for Peace, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), at Sining Bugkos.

Magmula Hulyo 2004 hanggang Marso 2005 naman ay nakapag-organisa ang Kilometer 64 ng limang poetry reading. Isa sa mga ito, ang Highway 64 sa Purplehaze Bar and Cafe sa Marikina City, ang kinatampukan ng pag-eeksperimento sa tinatawag na visual poetry.Magmula sa Road Test hanggang sa Please Fasten Your Seatbelt, halu-halo ang tema ng mga tula sa mga chapbook liban sa M.U. Subalit nakararami naman ang mga tulang may panlipunang paksa sa mga ito.

Ito’y masasabing kagagawan ng pangyayaring ang mga nagpasimuno ng grupo ay mga nagmula sa kilusang aktibistang kabataan, na siya namang sanhi ng matagal na di nasulat na unawaan sa grupo na ang pangunahing pahahalagahan ng mga kasapi nito ay mga tulang may panlipunang paksa.

Ang unawaang ito ay nagkaroon ng higit na kongkretong anyo sa mga talakayan sa e-group hinggil sa panlipunang tungkulin ng mga makata, kung saan nangibabaw ang mga tinig na nagsasabing dapat na makisangkot sa lipunan ang mga makata.

Lalo pa itong pinatibay ng pakikipag-ugnayan ng Kilometer 64 sa ilang bantog na makata ng protesta, tulad ni Gelacio Guillermo na tumutulong, bagama’t sa impormal na paraan, bilang isang tagapayo nito. Bukod kay Guillermo, ang iba pang nakatatandang makata ng protesta na nakaugnayan ng Kilometer 64 ay sina Santiago, Lumbera, at Fidel Rillo.

2 Tugon to “ACTIVITIES”

  1. abby Setyembre 26, 2007 Sa 4:54 umaga #

    tagal ko na gs2 ma meet (kahit sa ganito lang) ang mga tao sa likod ng km64…
    wala lang………pero meron eh…..
    matagal na ko kasing naghahanap eh….
    pero wala pa din akong makita…. hindi ko pa din makita….
    mag isa lang kasi akong naghahanap eh… kaya yata nawawalan ng direksyon ang aking paghahanap….
    umaasa ako na makikita nila ang hinahanap nila kasabay ng pagkakita ko sa hinahanap ko din….
    nawa’y matulungan nyo ako sa paghahanap………….

    • michael Agosto 26, 2011 Sa 5:03 umaga #

      isa rin akong manunulat kaibigan ngunit hindi ko mailabas ang aking mga obra naghahanap ako ng maaaring tumulong sa akin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: