About Us

Ang Kilometer 64 ay isang ugnayan ng mga makata at ng mga may natatanging hilig sa tula, na ang karamihan sa mga kasapi ay nasa Pilipinas ngunit may ilan din namang nasa ibang bansa. Nabuo ito noong Marso 14, 2003.

Bakit Kilometer 64? Sa Ingles, kung dadaglatin, ang Kilometer ay nagiging Km, at ang Kilometer 64 ay kumukuha ng inspirasyon sa organisasyong Kabataang Makabayan (KM) na itinatag noong 1964.

Bilang isang organisasyong isa sa mga nilayon ay ang pagpapalaganap ng kultura ng patriotismo, ang KM ay humango ng aral mula sa kasaysayan ng bayang Pilipino at sa mga buhay at nagawa ng mga personalidad na nag-ambag nang malaki sa pagsulong nito – kabilang ang premyadong makatang si Amado V. Hernandez.

Sa mga panahong ito ng pagsubok – na inilalarawan ng marami sa mga komentaristang panlipunan sa akademya man o pabatirang madla bilang isa ring panahon ng paghahanap ng katuturan, naniniwala ang Kilometer 64 na malaki ang magiging kapakinabangan ng pagpapatuloy ng KM matapos itong ideklarang iligal nang ipataw ang batas militar noong 1972.

Hangad ng Kilometer 64 na mapalaganap ang pag-ibig sa bayan at sa kapwa, na itinatanghal maging sa mga aklat-araling pinopondohan ng pamahalaan. Ginagawa ito ng Kilometer 64 sa pamamagitan ng paglikha at pamamahagi ng panulaang nagsusulong ng pagpapahalagang ito.

Naipamamahagi ng Kilometer 64 ang mga akda nito hindi lamang sa pamamagitan ng paglalathala ng mga koleksiyon, kundi maging sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga poetry reading sa mga bar at paaralan, at maging sa mga piketlayn, sa lansangan at sa mga maralitang komunidad.

Itinuturing na mahalagang bahagi sa kasaysayan ng Kilometer 64 ang pagkakalathala ng 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataan. Inilunsad sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Nobyembre 2004, natitipon sa aklat na ito ang mga tula mula sa 40 makata na nagpupugay sa yumaong mga kabataang bayani ng patuloy na pagsisikap ng sambayanan na maitatag ang tunay na soberanya, katarungan, at mabuting pamamahala sa bansa. Nagsilbi itong ambag ng Kilometer 64 sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng KM noong Nobyembre 30, 2004.

Tagapagtatag: Rustum Casia
Pangkalahatang Kalihim: Alexander Martin Remollino

4 Tugon to “About Us”

  1. bertcontrol Mayo 24, 2010 Sa 4:10 umaga #

    sa wakas! ngayon ko lang natagpuan tong blog na ‘to mula sa isang link sa fb ng isang kasama at nakatutuwang nakatagpo ako ng mga ‘Kamote’ dito sa wordpress.

    kilometer 64! tunay, palaban, makabayan!

  2. Mikael Setyembre 27, 2010 Sa 11:37 umaga #

    masayadong malalim ang Filipino ng pook-sapot na ito…

  3. Mikael Setyembre 27, 2010 Sa 11:37 umaga #

    masyadong malalim ang Filipino ng Pook-sapot na ito

  4. tinbornalienated Setyembre 9, 2011 Sa 1:15 hapon #

    😀 Ang saya magbasa ng mga tula dito. Lalo akong natututo tungkol sa masang pilipino at lipunang ginagalawan ko. PInakamataas na pagpupugay sa lumikha ng km64!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: