Pakikiisa ng KM64 sa #OccupyBulacan ng Kadamay

#KadamayAko ang nagkakaisang tugon ng mga manunulat ng KM64 bilang mahigpit na pakikiisa at pagsuporta sa #OccupyBulacan ng Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap.

Makatarungan ang laban na ito ng mga maralitang tagalungsod dahil ilang rehimen na’ng nagdaan ngunit hindi pa rin nasosolusyonan ang kawalan ng disenteng panirahan sa mga maralita.

Lalong pinasasahol ng mga atakeng neoliberal ang kalagayan ng mga maralita. Ang mga dating ino-okupahang tirahan ng mga maralita ay binebenta ng gobyerno sa mga dayuhan at malalaking negosyante upang pagtayuan bilang sentro ng komersyo. Ilan sa mga lugar na ito ang South Triangle na pinagtayuan ng Trinoma na pagmamay-ari ng AyalaLand, Silverio Compound na binili ng SMDC ni Henry Sy, atbp. sa ilalim ng PPP o Public-Private-Partnership. Binibigyan ng relokasyon subalit malayo sa kanilang mga kabuhayan at sub-standard ang mga yunit.

Nahuhubaran na ang ilusyon ng “pagbabago” sa ilalim ng rehimeng Rodrigo Duterte. Sa loob nang halos 10 buwan niya sa panunungkulan ay naging masidhi ang kanyang mga polisyang anti-mahihirap sa pagdedeklara ng “War on Drugs” na kumitil ng halos 8,000 katao. Lalo pang sumahol nang ipinanukala sa kongreso ang panunumbalik ng death penalty na’ng pangunahing biktima ay ang mga mahihirap.

Dapat lang na singilin ng mga maralita si Duterte sa kaniyang pagiging inutil sa interes ng mga mamamayang Pilipino. Walang ibang maaasahan ang mga maralita kundi ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.

Sabi ni Dimaranan: “Hindi man direktang natutugunan ng panitikan ang kahirapan o kaapihan ng mga manggagawa at magsasaka, pagkat hindi naman tinapay ang salita o baril na pamaslang sa masasama, may gampanin pa rin ang panitikan sa pagbabago ng lipunan bilang isang salik na naghahanda sa taumbayan na mag-aklas.”

Ang mga manunulat ng KM64, bilang tagapamandila ng makabayang panulat ay buong-buong sumusuporta sa laban ng mga maralita!

Karapatan sa paninirahan, Ipaglaban!
Pabahay, serbisyo hindi negosyo!

occupy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s