SENDONG

22 Dec


Split second bago ang ragasa ng baha nang magising ang Misis ni German, (isang progresibong manunulat, aktibong kontribyutor ng mga Proyektong Tulagalag, at kasapi ng K.m. 64) kung hindi, hindi lang mga libro, manuskrito, at kabuhayan ang inanod sa buhay niya. Kaarawan ny…a din ngayon, aba’y nga naman, salamat pa din sa regalong buhay na nasalba.

Pero iisang tao ang kwento ni German Gervacio. Iisang pamilya. Habang sa tala ng Rmp Nmr, mahigit na sa 409,119 na indibidwal, mula sa 45,989 pamilya ang apektado. 984 dito’y mismong buhay nila ang nasingil ng kalikasan. Bukod sa pagtulong kay German, kung malaki-laki rin lang naman ang malilikom, ibabahagi din natin ang iba pang tulong sa Rmp Nmr na kasalukuyang on-the-site na tumutulong sa Northern Mindanao para maibahagi sa iba pang pamilya.

Pagkakataon din ito para ilantad ng mga makata ng bayan sa masining na pamamaraan ang mga tunay na dahilan bakit ganito ang sinapit na sakuna ng ating Bayan. Hindi si Sendong ang natatanging may kasalanan. Lalong hindi ang mga maralitang pumiling tumira sa mga lugar na iyon ng kanayunan. May higit na nakapangyaring dambuhala ang nagpahintulot ng ganitong mga delubyo, kamatayan at kawalan.

Mga maaaring i-donate:
bigas, delata, tubig, noodles, damit, tsinelas, sapatos, kumot, school supplies, pera

Ang Bookay-Ukay ay magbebenta rin ng mga piling piling libro sa gabing iyon. Ang kita ay magiging pondo para sa mga nasalanta.

#59 Visayas Avenue, Quezon City (tabi ng Monterey Meat Shop, tapat ng Shell Gasoline Station)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: