Huwag Tawaging Liwanag ang Ningning ng Dilaw na Palara

19 Nov

ni Alexander Martin Carteciano Remollino
 
 
Bukod sa sadyang iba ang ningning sa liwanag,
narito ang labinlima pang dahilan
upang huwag tawaging liwanag
ang ningning ng dilaw na palara:
Cecilio Sumet,
Jesus Laza,
Jhaivie Basilio,
Juancho Sanchez,
Jessie Valdez,
Jun David,
Jaime Pastidio,
Adriano Caballero,
Ricardo Ramos,
Tirso Cruz,
Abelardo Ladera,
Marcelino Beltran,
Ben Concepcion,
Florante Collantes,
at Padre William Tadena.
 
Kung kailangang malaman kung sino sila,
itanong sa lupa ng Hacienda Luisita
kung saan pinaagos ang kanilang dugo,
kung saan pinaagos ang kanilang dugo
dahil ipinaglaban nila
ang malawak na lupang hindi pag-aari
ng mga nagmamay-ari nito.
 
2010, July 4

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: