Ikapitong Sundang

15 Jun

Ikapitong Sundang…
Ang naunang posts ay ang pinakabago kong mga tula. Pito sana ang tula sa seryeng ito na nasimulan ko noon pang Agosto, kaya may pamagat na “Pitong Sundang”. Tungkol ito sa mga magsasakang setler sa bulubundukin, kaya naisip kong gamitin ang kanilang pantrabaho — ang sundang — upang mag-ugnay sa mga metapora ng serye.

Ang ikapitong tula ay halos nabuo ko na, pero napasama na roon sa laptop na kinuha sa akin ng militar. Hindi ko na makayang buuin pa ulit.

Kaya ganito na lang ang gawin natin: sinumang indibidwal, o anumang grupo na interesadong tumula ay inaanyayahang gumawa ng sarili nilang “ikapitong sundang.”

Hindi na rin kailangang maging istrikto o matapat sa nauna kong naratibo o tema ukol sa mga setler, dahil maaari namang bahagi na rin lang ang mga setler sa binubuong talinhaga na umiikot sa “sundang.” Maaari kayong pumili ng anumang tema, persona, mga indibidwal o sektor bilang mga tauhan, basta’t maitururing itong “rurok” batay sa pangkalahatang diwa ng serye.

-Ericson Acosta

_____________________________________________
Ipadala bilang word attachment ang mga ambag sa kilometer64@gmail.com (Times New Roman, Size 12 Font). Ilagay sa subject tab: Ikapitong Sundang

Maglakip ng maikling pagpapakilala sa sarili.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: