I AM LINO BROCKA

22 May

Hindi ito biglaang paggayak na parang walang-magawa-halika-punta -tayo-sa-mall. Hindi naman ito biglang naisip lang.Lalong hindi ito napagtripan lang.

Kakabit ng pagpaparangal sa isang tao ang gabundok na responsibilidad. Hindi natatapos sa pagpupugay.

Mapapangiwi sa kanyang himlayan ang taong iyon kung matapos mong purihin ang mga astig niyang ginawa, wala ka naman gagawin para ipagpatuloy yun.

Noong May 21,1991 naaksidente ang 1991 Toyota Corolla ni William Lorenzo (isang aktor) sa East Ave. Sumalpok sa isang poste ang kotse. Sakay noon Si Direk Lino Brocka. Total wreck ang kotse, di na umabot sa ospital ang direktor.

Sa nakaraang mga taon, sinariwa ng Tudla Productions ang mga naging ambag ng premyadong direktor na si Lino Brocka. Hindi lang simpleng pagpapalabas ng kanyang mga pelikula, hindi lang mga testimonya ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay- mas napatampok ang kanyang mga ambag sa kung papaano tumagos hanggang sa mga batang alagad ng sining ang paninindigan ng isang Lino Brocka.

Sa taong ito, muli, maglalaan ng ispesyal na panahon ang mga alagad ng sining upang tipunin ang kani kanilang nakikisangkot na sining sa ngalan ni Lino Brocka. Mayo ang buwan ng kamatayan ni direk. Sa buwan ding ito mangyayari ang pagpupugay hindi lamang sa kanya kundi sa uri ng sining na niyakap nya at pinaniwalaan.

Ngayong Mayo, bibigyang boses ng KM64 katuwang ang Tudla Productions ang isa sa pinaka-impluwensyal na imahe ng sining na naglilingkod sa bayan- si Direk Lino Brocka.

Tampok sa I AM LINO BROCKA poetry project ang mga tulang may temang pangkasalukuyan sa boses ni Lino Brocka.

Ikaw, kaya mo bang maging Lino Brocka?

Isang Tugon to “I AM LINO BROCKA”

  1. hitokirihoshi Mayo 23, 2011 Sa 6:03 umaga #

    kung paggawa ng isang pelikula gaya ng ginawa nya wala pa akong kumpiyansa pero kung maisip ang ipinaisip niya habang pinapanood ang kanyang mga pelikula.puwede siguro.

    ang totoo nyan napapansin ko lang ang direktor kapag nakapahusay ng pelikulang napanood ko. wala akong paki que sikat o hindi siya in person. at isa na siya roon sa mahusay na sikat pa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: