Ganito Namin Babatiin ang Nestle

13 Apr

Sa sampung commercial kada isang programang pantelebisyon- isa doon ay mula sa mga produktong nasa ilalim ng bandila ng Nestle Philippines.

Hardcore Kapuso ka man, solid Kapamilya o bagong lipat na kapatid, hindi ka makakaligtas sa tanong kung para kanino ka bumabangon.

Mula morning show hanggang sa pagbanggit ng mga pangalan ng mga engineer sa madaling araw, kukulitin ka na ng tanong na ito.

Masyadong too-good-to-be-true ang serye ng mga commercial na ito, may bahid ng dugo ang ipinagmamalaking Good Food, Good Life ng higanteng dayuhang kumpanyang ito.

Literally, marami nang naitumba ang kasaysayan nito sa ating bansa. Hindi man nabalita sa mainstream media, matingkad at sinong makakalimot sa duwag na pagpaslang kina Meliton Roxas noong Enero 29, 1989 at Ding “ka Fort” Fortuna, lider ng unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines noong Setyembre 22, 2005? Maisasantabi ba ang daan daang pamilyang nagutom at nagkasakit na buong karamutang tinikis ng kumpanyang ito samantalang kayang kaya naman nitong bayaran ang multi milyong talent fee nina Regine Velasquez, Marian Rivera, Coco Martin, Arnel Pineda at Vilma Santos.

Para sa aming nakasaksi sa magiting na pakikipaglaban ng mga manggagawa ng Nestle Philippines, isang tungkulin ang paulit ulit na i-kwento ang kanilang paninindigan at mga sakripisyo.

Nang iburol si Ka Fort sa isang chapel sa UP Diliman, isa sa mga kinanta ng mga nagbigay parangal ay ang awiting Tuloy ang Laban ng Patatag.

Sa saliw ng awiting ito hayaan ninyong batiin ng aming mga berso ang ika-isandaang taon ng Nestle.

Isang Tugon to “Ganito Namin Babatiin ang Nestle”

  1. Cocoy Abril 14, 2011 Sa 9:16 umaga #

    narinig ko na minsan sa isang panghating-gabing programa sa radyo ang mga strike na nangyari sa planta nila sa (laguna?).. at dahil sa mga pangyayaring yon ay tumigil akong bumili ng kahit na anong produkto ng malaking kumpanyang ito.. mapa-kape.. o gatas.. algi ako ddon sa kabilang brand name na hindi gawang multinasyonal na kumpanyang ito.. kasamo nyo ko..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: