Justice for JanJan?

5 Apr

Di ko masyado nasubaybayan ang isyu ni Willie at Janjan. Una,bihira akong manood ng Wiling Willie. Pangalawa, di ko masyado nasundan ang palitan ng opinyon sa isyung ito sa FB.

Gusto ko sanang hanapin sa Youtube ang sinasabing vid
kung saan pinagsayaw diumano ni Willie ang batang si Janjan ala Macho dancer. Kaso mabagal ang internet dito at nagbubuffer, pupulikatin lang ang batok

ko kakaantay ma-play nang maayos ang vid.

Isa lang ang nakakatuwa sa isyung ito, suddenly dumami na naman ang tagapagataguyod ng karapatan ng mga bata.

Tulad ng FB gimik dati na papalitan ang profile pic ng
picture ng paboritong cartoon character in support sa laban against child abuse, naiipoktrituhan ako sa mga sumasakay sa isyung ito.

Oo, may mga totoong nakikipaglaban para kay Janjan.

Pero karamihan dito wala naman talagang pakialam sa exploitation dun sa bata. Galit lang sila kay Willie. Period.

Ako? badtrip din ako kay Willie. Oo, Sa mala-Henyong tingin niya sa sarili niya.

Pero, gusto ko din hamunin yung mga sumasakay sa isyung
ito na totohanin yung “concern” nila sa bata, sa mga katulad ni Janjan.

Baka kasi hindi nila alam ang datos ng mga batang nagta-trabaho sa mga murang edad. Sa mga batang hindi nakakapasok ng eskwela dahel maliit ang budget na inilalaan sa edukasyon. Sa mga batang anak ng mga manggagawang ni hindi maitaas ang sahod.

Kung talagang feeling ng konsensya nila naexploit ang bata, go! Pero sana hindi lang sa isyung ito yang pagtatanggol na yan.

Nagiintay ang maraming isyu na sangkot ang mga bata sa
ating lipunan. Sana, hindi lang pangshowbiz yang concern na yan.

Nagsayaw daw ng ala macho dancer ang bata.

Naisip ko tuloy, anu ba ang pinagkaiba nito sa bagong commercial ng Mcdo. Kung saan sa murang edad, ay nagliligawan na ang dalawang bata.

Baka marami pa nga ang nakyutan dito.

Well.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: