TULAGALAG KONTRA OIL PRICE HIKE

21 Mar

 

Sa isang bayang mas pinoproblema pa ng mas nakararami ang trapik, pagkaantala sa mga pupuntahan dahil walang masakyan- responsableng pagbabalita nga siguro ang inirereport sa tv, radyo at dyaryo na perwisyo ang naidudulot ng welga ng mga tsuper at operator.

You cant please everybody, ika nga.

Sa kada pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, may dalawang panig, ang mga tsuper at ang malalaking kumpanya ng langis.

Trabaho ng mamamayang maaapektuhan ang mamili kung saan sya papanig. Tutol ba sya? O Tama lang na magtaas ng presyo kasi madami naman syang pera?

Kailangang may panigan, obsolete na ang neutrality sa ganitong mga panahon na sahod na lang ang hindi tumataas. Kung hindi ka tututol, by default, ibibilang ka sa mga kakampi ng oil c0mpanies.

Payag ka?

Sa kawalang aksyon ni Noynoy Aquino, matataas naman siguro ang IQ natin para malaman kung sino ang makikinabang.

Hindi naman mahirap unawain un mga hinaing ng mga nagwewelga. Una, kung mababasura amg oil derugalation law, makokontrol na ng gobyerno ang presyuhan ng langis.

Pangalawa, kung aalisin ang VAT sa langis, lima hanggang anim na piso ang mababawas kada litrong ikakarga. Imagine, hindi na kakailanganin ng mga tsuper na magtaas ng pamasahe.

Ang laban kontra pagtaas ng presyo ng langis ay hindi lang laban ng mga tsuper at ng kanilang mga operator, laban din ito ng mga namamasahe. Laban din ito ng mga makata, dahil mamamayan din siya.

2 Tugon to “TULAGALAG KONTRA OIL PRICE HIKE”

  1. Rey L. San Gaspar aka "Istak" Marso 27, 2011 Sa 3:52 hapon #

    Tangis at Langis

    Sino ang masaya? Sino ang malaya?
    Sinong nangdaraya? Sinong nagsamantala?

    Sa gitna ng hirap, sa dulo ng dusa,
    Ang mga bathala, langis ang sinamba.

    Kapitalistang ganid, tubo ay sobra,
    Bayan kong dukha na ay ginigipit pa.

    Mga aliping lupa, utang ang kita,
    ang ani nila’y di matikman ang lasa.

    Mga alipin ng orasan di-gwardya,
    wala nang agahan, hapuna’y lakad pa.

    Mga alipin hawak ay manibela,
    Ang kaldero nila ay naisangla na.

    Mga pesanteng alipin ng sistema,
    kamatayan ang pangtawid gutom nila.

Trackbacks/Pingbacks

  1. Kumpirmado! Pamasahe sa Bus, tataas! « PULPOLitika - Marso 26, 2011

    […] nyo rin tong mga astig na tula na likha na mga makabayang makata. This entry was posted on Sabado, Marso 26th, 2011 at 4:09 […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: