SILANG IILANG MANG-AAGAW NG TAGUMPAY

25 Feb

-Alexander Martin Remollino +

Isinisilang at yumayao ang mga panahon,
ngunit di lumilipas
ang ating kahapon.

Sa mga panahon ng palitang-putok,
tayo sa larangan ang nagdadala ng bandila
at ang ating mga dibdib at ulo
ang nakalaang lurayin ng mga punlo ng kaaway.
Ngunit sa panahon ng lubos na paglalaho ng usok,
ang nagwawagayway ng bandila
ay silang iilang hindi halos umapak sa larangan.

Minsan nila itong ginawa sa Kawit,
makalawang ito ay ginawa nila sa EDSA.

At ngayon,
narito na naman sila —
parang mga manananggal
na naghihintay sa ganap na paglalaho ng liwanag
upang makalipad ang kalahating katawan
at makapanagpang.
Magtatagumpay ba silang muli sa pang-aagaw ng tagumpay?

Kahit ilang bukas ang dumating,
tuluy-tuloy lamang ang ating kahapon
hangga’t tayo’y may ugaling matulog kaagad
pagkatapos ng kahuli-hulihang putok ng baril.

Isang Tugon to “SILANG IILANG MANG-AAGAW NG TAGUMPAY”

  1. Shyla Nobyembre 24, 2012 Sa 6:03 hapon #

    go go astig? pinoy????. from carl barrack….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: