KUNG BAKIT LAGING TRAFFIC SA PALIGID NG MENDIOLA

22 Jan

-Amihan Euza

Sa caption ng 24th Mendiola Massacre Commemoration album ni Prof. Sarah Raymundo, sinabi nyang tinanong siya ng dating guro kung ano ang pinakamatagal nang problema ng Pilipinas. Bilang isang “teenager fresh out of all sorts of things”, ang sagot nya ay “traffic.”

Ang kyut diba? Nakasilip tayo kung pano mag-isip si Mam Sarah noon, bago pa siya mamulat nang bongga.

Tama din naman si Mam Sarah noon. Kahit hanggang ngayon, buhol-buhol ang traffic sa mga syudad sa bansa, salamin ng buhol-buhol na pagpapatakbo ng pamahalaan.

Sa dulo ng caption/note sa album nya, sinabi nyang ang tamang sagot sa tanong ng guro ay LUPA. Daan taon nang walang lupa ang mga magsasaka na nagpapakain sa sambayanan, pero hanggang ngayon wala pa din silang lupang matatawag na sa kanila.

Kahapon habang nakasakay ng FX sa Quiapo  (bago bumaba at sumunod sa mob), nagmura ng Pu&%$! ina yung driver at sinabing hindi daw nag-iisip ang mga “raliyista”. Alam naman daw nila na traffic sa Quiapo dahil Biyernes, dumagdag pa.

Nakaka-agit. Gusto kong paliwanagan si Manong Driver kung gaano kahalaga ang Enero 15-22 para sa mga magsasaka at kung bakit wala tayong pakialam kung Quiapo Day yan o Pacquiao Day. Kaso alam kong mahabang usapin yun, at hindi sasapat ang ilang minuto para maipaliwanag ko sa kanya nang mabuti at maintindihan nya kung bakit laging nasa Mendiola ang mga magsasaka at iba pang sektor.

Gusto ko din siyang paliwanagan kung pano naging magkakabit ang isyu ng kawalan ng lupa at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pati na din ang gasolinang ginagamit nya sa pamamasada, at kung bakit siya nagtitiyanag mamasada ng FX araw-gabi para mapakain niya ang pamilya niya habang sa gitna ng lahat ng ito, ang bugok niyang presidente ay nag-eenjoy sa kanyang magandang Porsche.

Pagkababa ko, naisip ko na hindi pa talaga ako hardcore. (Paumanhin sa mga magsasaka, mga manggagawa at iba pang aktibista na hindi ko nadepensahan). Dahil kung tutuusin, dapat sinagot ko na siya.

Next time Manong. Kahit murahin mo ako, kebs. Basta mapaliwanag ko lang sayo ang dahilan kung bakit laging traffic sa paligid ng makasaysayang tulay ng Mendiola.

Photo courtesy of Prof. Sarah Raymundo

 

Isang Tugon to “KUNG BAKIT LAGING TRAFFIC SA PALIGID NG MENDIOLA”

  1. Neutral Universe Enero 24, 2011 Sa 4:02 umaga #

    How I wish they can really have their own pieces of The land.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: