Sa MRT at LRT ay Wala Kang Lusot

11 Jan

Ni Kislap Alitaptap
11 Enero 2011

Umaalingasaw na putok,
Napapanot na tuktok,
Sumusundot na buhok,
Nag-uuling na batok,

Tigyawat na naghihimutok,
Nanigas na kulangot,
Sikong nanghihimasok,
Mga matang malilibog,

Tarugong nakatutok,
Pitakang nadudukot,
Air condition na nakasimangot,
Kasula-sulasok na utot.

Sa MRT at LRT ay wala kang lusot,
Sa pagkabuwisit ika’y mapapasuntok.
Dagdag pasahe’y ‘di makakaharurot
Kung bawat mananakay ay makikisangkot! #

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: