Hapi Mil

1 Dec

-Jim Pascual Agustin

magiging masaya ako ngayon
kase dadalhin ako ni mama
sa makdu
ituturo ko ng daliring pangkulangot
ang piktyur ng hapi mil
na gustung-gusto ko
kase may bago na namang laruang plastik
na meyd in tsayna
malambot pa sa unan
ang tinapay na may palamang karne
na hindi ko alam kung ano
kase pinitpit at hinalu-halo
hapi mil berdyer
may prents prays pa
patatas na di bilog
tila mga daliri ng mga lola
na pinaliguan ng asin
tapos malamig na kok
kase mas marami pang yelo
kesa kok na itim
tapos anlamig-lamig sa makdu
sabi ko kay mama
dyinggel! dyinggel!
takbo sa siar kaso andaming tao
amoy utut-tae na ibambaho
kahalo ng amoy sabon
na galing sa plastik na kahon
na pinipindut-pindot tsaka lalabasan
ng tila malapot na iput
tapos laro ako sa plastik na palaruan
padulasan, tanel, akyatan,
belat sa payatot na mga bata
sa labas ng makdu
belat! manood na lang kayo!
di sila makakalaro
dito sa makdu
kase bawal ang baho
sabi ni mama
kaya araw-araw akong maliligo
ebridey hapi mil!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: