TULAGALAG: KARAPATAN

23 Oct

Kung tayo ang masusunod, ayaw nating magbilang.

 

Haggard yun.

 

Lalung lalo na kung ang bibilangin ay kung ilan na ang aktibistang pinatay, ilan na ang inimbentuhan ng kaso, ilan na ang nawawala, ilang bahay ang nademolish, ilan na ang ilegal na tinanggal sa trabaho, ilan ang nasaktan sa dispersal at ilang etcetera etcetera pa.

 

Pero kailangan.

 

Kumbaga, kailangan ng cartographic sketch para makilala ang itsura ng paglabag sa karapatang pantao. Kailangang may mukha, kasi baka sabihin na propaganda lang o inembento.

 

At huwag magmamayabang o magsasa-anghel ang administrasyon ni Noynoy.

 

Tampok sa unang isandaang araw niya ang pagpatay sa mga aktibista at mamamahayag, ang mararahas na dispersal sa mga magsasaka, ang demolition sa North Triangle, ang pagpapalawig pa sa Oplan Bantay Laya at etcetera etcetera.

 

Ma-pride ang mga Pilipino, mahirap ipa-realize sa milyong bumoto kay Noynoy na ang pinili nila ay wala ding pinagkaiba sa sinundan nitong si GMA.

 

Mahirap man, tungkulin natin ito.

 

Cliche man at nakakaumay,pero kung hindi tayo sino?

 

Mangangalap tayong muli ng mga tula para mag-lagalag. This time, ang tema natin ay tungkol sa pglabag sa karapatang pantao na nangyari sa nagdadalagang administrasyon ni Noynoy Aquino, gayundin yung mga iniwan ni GMA na nararapat lamang na gawan ng paraan kung totoong imbyerna si Noynoy sa mga kalokohan nito.

 

Isend ang mga ambag sa kilometer64@gmail.com o sa 09278313273 [pakitext lang ang pangalan]

 

Kung maaari at kung kakayanin, maikli sana ang tula [mga 10 linya] para mas malinaw at mas madaling mabasa. Highly encouraged ang mga haiku, tanaga at text tula.

 

Gagamitin ang mga tula sa Disyembre, sa paggunita ng buong mundo sa deklarasyon ng karapatang pantao.

Litrato ni Zarah Dayao

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: