TULAGALAG:100

4 Oct

more photos

Sa pinakahuling mga pag-aaral, sinasabing ang memory ng isang goldfish ay umaabot lamang sa tatlong buwan. Ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan ay magiging panibagong mga alaala.

Clean slate.

Goldfish ka ba?

Siyempre, hindi. Pero sa panahon ngayon na nagiging malilimutin ang mga tao sa paligid, nararapat lang na may tumindig para ipaalala ang mga nangyari para tuluyang huwag mabaon sa limot at lumot.

Sa okasyon ng ika-isandaang araw ni Noynoy Aquino sa pagka-pangulo ng Pinas, naghahamon ang mga nalimutang mga pangyayari. Naghahamon ang mga bagay na hindi nagawa, naghahamon ang mga binalewala.

Naghahamon at nanghahawak ng tenga.

Papalag ka ba?

Samahan ninyo kaming ipaalala hindi lamang kay Noynoy Aquino ang mga isyung nangyari sa nagdaang tatlong buwan na aksidenteng nakalimutan o deliberately na kinalimutan.

Itatampok natin sa pamamagitan ng mga tula ang mga bagay at issue na malamang ay hindi mabanggit ni Noynoy sa kanyang pagrereport sa sambayanan.

Target natin na mapalahok ang isandaang makata at manunulat sa proyektong ito.

Ang mga tula ay i-eexhibit sa mismong araw na tatayo sa pulpito si Noynoy Aquino, kakausapin ang sambayanan, sisihin si GMA, hihingi ng dagdag na panahon dahil kulang ang isandaang araw para sa magarbo niyang agenda at sa kanyang muling panghihikayat na tumungo sa Daang Matuwid.

2 Tugon to “TULAGALAG:100”

  1. Sa Likod Ng Ulap Oktubre 5, 2010 Sa 1:14 hapon #

    Ibig sabihin ho nito naglagalag na ang 100 tula? Salamat ho at natagpuan ko itong site mo. Minsan naitanong ko ito kay K.M.Poetry sa Facebook.

Trackbacks/Pingbacks

  1. TULAGALAG:100 [page 2] « Blog ng Kilometer64 - Oktubre 4, 2010

    […] back to page 1 […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: