TULAGALAG:100

24 Sep

Sa pinakahuling mga pag-aaral, sinasabing ang memory ng isang goldfish ay umaabot lamang sa tatlong buwan. Ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan ay magiging panibagong mga alaala.

Clean slate.

Goldfish ka ba?

Siyempre, hindi. Pero sa panahon ngayon na nagiging malilimutin ang mga tao sa paligid, nararapat lang na may tumindig para ipaalala ang mga nangyari para tuluyang huwag mabaon sa limot at lumot.

Sa okasyon ng ika-isandaang araw ni Noynoy Aquino sa pagka-pangulo ng Pinas, naghahamon ang mga nalimutang mga pangyayari. Naghahamon ang mga bagay na hindi nagawa, naghahamon ang mga binalewala.

Naghahamon at nanghahawak ng tenga.

Papalag ka ba?

Samahan ninyo kaming ipaalala hindi lamang kay Noynoy Aquino ang mga isyung nangyari sa nagdaang tatlong buwan na aksidenteng nakalimutan o deliberately na kinalimutan.

Mag-ambag sa

TULAGALAG: 100

Itatampok natin sa pamamagitan ng mga tula ang mga bagay at issue na malamang ay hindi mabanggit ni Noynoy sa kanyang pagrereport sa sambayanan.

Target natin na mapalahok ang isandaang makata at manunulat sa proyektong ito.

Isend lang ang ang ambag sa kilometer64@gmail.com bago matapos ang Setyembre.

Ang mga tula ay i-eexhibit sa mismong araw na tatayo sa pulpito si Noynoy Aquino, kakausapin ang sambayanan, sisihin si GMA, hihingi ng dagdag na panahon dahil kulang ang isandaang araw para sa magarbo niyang agenda at sa kanyang muling panghihikayat na tumungo sa Daang Matuwid.

ps: habang sinusulat ang note na ito, pinapalabas ang video ni Noynoy na kumakain ng hotdog.

9 Tugon to “TULAGALAG:100”

  1. batangistik Setyembre 24, 2010 Sa 1:02 hapon #

    magandang ideya.. sana makabuo ako ng tula na ambag ko para sa proyektong ito.

  2. epoy Setyembre 27, 2010 Sa 9:20 hapon #

    AT BUMAHA NG ILUSYON-1

    Walang sungit ng panahong nagbadya
    Walang bantang may darating na sakuna
    At sa panganib na dumating tila walang nabahala
    Bagkus nakangiti ang lahat na nakatulala.

    At bumuhos ang bahang tila pinangarap.
    Nagpamanhid sa lupang nasabik sa sarap
    Walang hangin ngunit malupit na sumisibak
    Walang tubig ngunit labis nangwawasak.

    Lumulunod sa matamis na pangarap
    Mahango sa hirap at sagana ay malasap.
    Nanglumpo ng diwang taimtim na naghangad
    Ng lipunang may ligaya at sa laya ay sapat

    Ngayon ang bayan ay daig pa ang binangungot
    Nang bumaha ng ilusyon at sa lupa ay umagos
    At ng hagipin ang wang wang at biglang napaos
    Pumalakpak ang lahat at marami ang napakimbot.

    Kaya ang ibubunga ng nakalulunod na ilusyon.
    Wawasakin hindi lang mga likas ng ating nasyon
    maging katinuan ng baya´y lulunurin ng imahinasyon
    At mananaginip na may pag-asa sa bagong administrasyon

    EPOY 07/2010

  3. epoy Setyembre 27, 2010 Sa 9:23 hapon #

    BUMABAHA NG ILUSYON SA BAGONG ADMINISTRASYON-2

    Binugbog kinuba ng hirap at dusa
    Binusalan ang bibig, piniringan mga mata
    Pinalamon ng pangakong sa hirap aahon na
    At sa bawat pumuna tingga ang iniamba

    Inip Sa katarungan sa utak nakapiit
    Pagbabagong pinangarap sa utak nangunyapit
    Nakababagot na kapalarang sa baya´y sumabit
    Kaya laging may himutok ang tambol ng dibdib

    Kaya nang ang hangin ay biglang nag-iba
    kumaway ang bagong bulong ng pa-asa
    Naghain ng pangako at bagong salamangka
    Nalasing ang bayan sa halimuyak ay natulala

    Kaya hayon at masdan nalulunod ang madla
    Sa lalim ng ilusyong umaapaw sa lupa
    Kumakampay sa kawalang nakapikit ang mata
    Tinanggap ang pangakong nakasabit sa wala.

    Ang bahang kay lalim sadyang di mapigil
    At sa ilusyon ang bayan nalulunod sa lasing
    Nagagalak natutuwa naghuhumiyaw na praning.
    Sa pagbabagong inasam na malabong marating.

    EPOY-07/2010

  4. epoy Setyembre 27, 2010 Sa 9:30 hapon #

    DEMOKRASYANG GULA-GULANIT

    Demokrasyang gulanit ang sa baya’y pinag duldulan
    nilalapa ng mga buwaya at mga bwetreng gahaman
    kinakabkab na mga batas na sa panlasa nila ay takam
    demokrasyang bulok na basahan ipinaskil sa isipan

    Damokrasyang punit-punit ang pilit pinalalamon
    Pinahahalimuyak pinababango upang tanggaping mahinahon
    Demokrasya ang pinangalan nila sa sikmurang nagugutom
    Pagkauhaw sa katarungan buong lugod sa ati’y pina ampon

    Demokrasya ang kanilang tawag sa batas na binalasubas
    Pinag.lilingkod sa iilan sa maliliit pinanghahambulas
    Ang yaman ng ating baya‘ y ninanakaw sinu-sungkab
    Inaalay sa paanan ng mga dayuhang mandurugas.

    Demokrasya ang kanilang tawag sa lipunang gulapi
    Pina kikintab ng mga pangako’t lantarang pagkukunwari
    Ang malayang katotohana’y pilit nilang kinukubli
    Kaya ngayon ang lipunan lugmok sa dusa‘t pighati.

  5. epoy Setyembre 28, 2010 Sa 6:00 hapon #

    KAMI RIN BA SA INYO AY TAO ?

    Para sa mga biktima ng demolisyon sa bayan ng tao
    Ano bang dangal ang asta ninyong pinagyayabang
    sa mukha ng sangkatauhang sampal sa katarungan
    Dangal ba ang tawag sa sikmurang kumakalam.
    Milyon bayang nangamatay sa labis na kagutuman.
    Habang ilang magnanakaw nagpapasasa sa bayan?

    Dangal ba ang tawag sa ganitong uri ng pagkatao?
    Namumugad sa pusaling inakong langit na impyerno
    Ngayo´y sa kumpol ng basurang ituturing na kalaguyo.
    Dahil sa dala ng modernong bagong bulok na pangako.
    Ligaya sa kanila´t kapalaluan sa bayang nagpauto.

    Dangal ba ang tawag habang nangingig sa lamig.
    Kung tahanan ay nilamog dahil sa mata nila ay pangit
    Dahil dampang inari sa gitna ng lungsod ay balakid.
    Nilamog na parang wala kaming silbi sa paligid.
    At papaano nang mga laman at butong sa balat nakasilid.
    Saan sa silong ng langit ihihimlay sa moom ng lamig.

    epoy

    

  6. epoy Setyembre 28, 2010 Sa 7:52 hapon #

    KAMI RIN BA SA INYO AY TAO ?

    (Para sa mga biktima ng demolisyon sa bayan ng tao)

    Ano bang dangal ang asta ninyong pinagyayabang
    sa mukha ng sangkatauhang sampal sa katarungan
    Dangal ba ang tawag sa sikmurang kumakalam.
    Milyon bayang nangamatay sa labis na kagutuman.
    Habang ilang magnanakaw nagpapasasa sa bayan?

    Dangal ba ang tawag sa ganitong uri ng pagkatao?
    Namumugad sa pusaling inakong langit na impyerno
    Ngayo´y sa kumpol ng basurang ituturing na kalaguyo.
    Dahil sa dala ng modernong bagong bulok na pangako.
    Ligaya sa kanila´t kapalaluan sa bayang nagpauto.

    Dangal ba ang tawag habang nangingig sa lamig.
    Kung tahanan ay nilamog dahil sa mata nila ay pangit
    Dahil dampang inari sa gitna ng lungsod ay balakid.
    Nilamog na parang wala kaming silbi sa paligid.
    At papaano nang mga laman at butong sa balat nakasilid.
    Saan sa silong ng langit ihihimlay sa moom ng lamig.

    epoy

    

  7. foobarph Oktubre 5, 2010 Sa 7:36 umaga #

    naka 100 na pala, ihahabol ko n lang ito. para sayo km64 at sa bayan.

    —-

    kulang sa panahon,
    salat sa pagtakbo
    ang mga lakad,
    ni pangulong ninoy aquino.

    hindi dahil siya’y tamad,
    o nagbubulakbol
    kagaya ng ginawa,
    nang nakaraang nuno sa punso.

    tayo’y magtiwala,
    tayo’y magtiis
    pag-asa,
    huwag nating iwaksi.

    siya’y may pag-ibig,
    para sa atin.
    gaya ng bayani,
    nakatayo sa harap natin.

    good luck po sa inyo

  8. Igorota Marso 2, 2011 Sa 3:47 umaga #

    pag-ibig mayroon
    sa gawa ay kulang
    anong silbi ng bayani
    kung tao ay gutom

    tiwala ay wala na
    sa masa ang pagasa
    huwag humanga at tumingala
    dahil sa buong bayan na lang ang pag-asa.

    • epoy Hunyo 5, 2011 Sa 9:33 hapon #

      Ilabas na ang subpoena sa desperas ng unang taon ng pagkamatay

      Gumagapang ang tindi ng kilabot sa kanilang mga ugat
      At pagal na ang dibdib kaya ang takot di maampat.
      Hingal sa bawat minuto ang pintig ng duwag na mga utak
      Kaya pangamba ang kaulayaw sa maghapo’t magdamag

      Ayaw pumayapa maging bawat sandali ng katahimikan
      Kahit ang puyat na gabi sa kanyang banas ay di tumantan
      Bangungot na panginorin ang naglalaro sa kanilang isipan
      Sumpa ng paniningil sa konsesyang sakdal palalo sa bayan

      Hiyaw sa galit ng mga plakard na humihihingi ng tugon.
      Naglalaro sa kanilang panaginip sa magdamag at maghapon
      umaalimpuyong pagkakaisa patuloy na sumusulong
      kaya ganon na lang ang kanilang pangamba sa pagbbaangon.

      Sa pantasya naglalaro ang paniningil ng pagbabalikwas.
      Mga himlay na puntod sa balintataw nila’y pilit nagpupumiglas.
      Gabay pa rin ng bayan sa mahabang landas ng pag aaklas.
      Tungo sa pangarap na malaya at masaganang bukas.

      kaya para sa mga tampalasan at mga hukom na hudas
      At mga taga pag patupad ng batas na punong puno ng butas
      habang mainit pa ang diwang nabaon sa paglalamay
      at bago pa malubos ang sangkap ng pag babangon ng tagumpay
      Ilabas na ang subpoena sa desperas ng unang taon ng pagkamatay.

      Epoy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: