Katapusan

9 Sep

(Para kay Alexander Martin Carteciano Remollino, 1977-2010)

-Aris Remollino

May mga taong naniniwalang

Nasa pagpanaw ang katapusan:

Na ang mga bagay na kaniyang nasimulan

Ay hinding-hindi na mapupunan.

Ngunit tunay nga bang ito na ang katapusan?

Paano na kaya ang kanyang naiwang pakikilala,

At paano na rin ang mga naiwang pakikikumusta?

Paano nga kaya ang mga naiwang pakikisaya,

At paano na rin ang mga naiwang pakikiluha?

At… Paano… Nga kaya…

Ang kanyang pangarap para sa sarili…

Ang kanyang pangarap para sa iba…

Na makamit ang tunay na inaasam na paglaya?

Maging ito man ang katapusan–

O maging ito man ang simula–

Nasa atin na ngayon ang pagpapasya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: