Alex

8 Sep

-Michelle Brences

kagabi ang huling pagkakataon makakasama kita

huling gabing makikita ka

habang nakatayo ako sa harap ng kabaong mo

matagal kong tinitigan ang mata, labi at kamay mo

sa hospital, bago ang gabing tuluyang tumigil ang iyong pag hinga, ang iyong mata, labi at kamay

ang aking madalas na tingnan habang nakahiga ka sa iyong kama.

pag pasok ko sa room563, ngiti agad ang sinalubong mo. ngiting halos pikit na ang mata mo kasunod ang tanong na “saan ka galing?” pagkasagot ko sa tanong mo ay naupo na ako. hindi na naalis ang titig ko sa mga mata, labi at kamay mo.

nakita ko na pilit mong iminumulat ang iyong mata at nilalabanan ito sa pag pikit.

nakita kong nahihirapan ka sa pag sipsip ng tubig at sa uhaw ko rin sa mga oras na iyon

ay parang gusto kong ako na lang ang sumipsip ng tubig para sa iyo.

nakita ko kung paano mo pilit na iginagalaw ang kamay mo na parang gusto mo na tanggalin lahat ng nakakabit sa katawan mo.

ramdam ko ang hirap mo kasabay rin ang pag-asa na gagaling ka sa tuwing susubuan ka ng lugaw ni Becca.

maya-maya ay nakita kong saglit na nawala ang ngiti sa mga mata at labi mo.

matagal na pakalat-kalat ang tingin mo sa kisame ng iyong silid.

kung ano man ang nasa isip mo ng oras na iyon ay gusto kong alamin.

naalala ko noon.kung paano ka kabilis gumawa ng tula o tumapos ng trabaho

ay ganun ka rin kabilis dumamay sa isang kaibigang kailangan ng tulong mo.

hanggang sa matapos at mag tagumpay tayo sa laban na iyon, ay ikaw madalas ang kasama ko.

dumating na ang oras na kailangan na namin magpaalam sa iyo sa silid na iyon.

bago ako lumabas ay hinawakan ko ang iyong kamay.

ramadam ko ang higpit ng hawak mo kasabay ang bulong na “masaya akong dumalaw kayo”

na sinagot ko ng ngiti at higpit rin ng hawak sa kamay mo saka ako nag salita na

“Alex, magpagaling at magpalakas” na sinagot mo rin ng ngiti.

lumabas ako sa kwartong iyon na bitbit ang pag-asang gagaling ka. pero, mali ako. mali.

sa tuwing haharap ako sa kabaong mo, ang lagi kong sinasabi at tinatanong sa iyo

“ang aga pa Lex, sino na ang makakasabay ko pag uwi tuwing may event?”

wala na ang big bro ko.

wala na akong makakasabay pag-uwi.

wala nang papara sa bus sa tuwing sasabihin kong “ayun! Pacita, Lex!”.

Wala na akong gigisingin bago bumaba ng bus at sasabihan ng “baka makalagpas ka, wag pakahimbing”

at wala na ring sasagot sa akin ng “hehe, ingat mich”

hanggang kagabi ay hindi ko maisip na wala ka na.

siguro sa susunod na event ng Kilometer64, sa pag uwi ko na wala akong kasabay,

saka siguro, kaya kong isipin na WALA KA NA.

Salamat Alex, sa lahat ng alaala na kasama ka namin.

hanggang sa muli…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: