NAGTANGKA KAMI

6 Sep

-Axel Pinpin

Anung hirap lumikha para sa isang manlilikha

Kahit anong salamangka

ay walang bisa.

Nagtangka pa kaming

palitan ang kanyang hininga

sa gabing tik-a-tik ang ulan

inuusal ang kanyang tugma.

Nagtangka pa kaming

bigyang tunog ang kanyang tawa

sa gabing tik-a-tik ang ulan

sinasambit ang kanyang kataga.

Nagtangka pa kaming

bigyang himig ang kanyang awit

sa gabing tik-a-tik ang impit

na hikbing luha ang lumunod sa aming dibdib.

Nabigo man ang pagtatangka

napagtagumpayan pa rin niyang iwan

sa gabing tik-a-tik ang ulan

sa lamay ng Bayang dadakilain

ang iniambag niyang buhay

sa unang ngiti ng madaling-araw.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: