TULAGALAG Hacienda Luisita

2 Jul

Sintamis ng katas ng tubo ang hangaring pagbabago. Ito ang lasa ng pag-asang itinubog bilang indelible ink sa mga hintuturo ng mamamayan noong Mayo 10, 2010. Panahon pa ng kopongkopong nangarap na sila ng pag-unlad. At ito na ang hudyat!

Iniluklok ng mga hintuturong tinubog at pinasinayaan pa nitong Hunyo 30, 2010 ang katuparang PAG-ASA. Hindi na bigo ang pakiramdam ng bayan. Ang siglusiglong pagkaudlot ng kanyang pag-asa ay ngayon na ang panahon ng paglago.

Hindi salungat ang sentimyento ng Kilometer 64 sa pakiramdam ng bayan. Lagi’t lagi ay magkatibok ang mga tula ng KM64 at ang mga awit ng bayan. Nakakalat sa mahigit 7,000 pulo ang sambayanan at ang awitin nito. Kaya may Tulang Lagalag, o Tulagalag ang KM64.

Unang nailunsad ng KM64 ang Tulagalag sa Neo-Angono Arts Festival noong Nobyembre 2004. Pyesta ‘yon ng Angono, Rizal. Panahon na mainit ang balita ng masaker sa Hacienda Luisita. At imposibleng pinadanak ng mga magsasaka ang sariling dugo nila.

Ang Tulagalag ay isang proyekto ng KM64 Poetry Collective. “Ilapit pa nang husto ang tula sa publiko,” ang kanilang layunin. May ilang salita lang ang kaibahan nito bagamat may hawig sa “Ilapit ang tula sa puso ng sambayanan,” panawagan ng Galian sa Arte at Tula (GAT), grupo ng mga manunulat noong dekada 70-90.

Matutunghayan at mababasa ang Tulagalag ng KM64 na nakadikit sa mga public spaces. Lalo na kung saan madali itong mababasa [mga jip, tricycle, waiting sheds, mga poste, sa mga intersections, mga phone booths at kung saansaan pa.

Tampok ang mga makatang may indelible ink ng pagbabago, ilulunsad ang exhibit ng mga tula nila, kasama ang ilang tagapagtanghal sa ganap na ika-7.ng., Kalye Gallery, Hulyo 3, 2010.

-Roberto Ofanda Umil

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: