KM64: Handa at Nakatakda

3 May

Sa Mayo a-Diyes, kasabay ng limampung milyong bumubotong Pilipino, pipili tayo ng mga kakatawan sa ating mga interes at mga pinakatatanging mga pangarap.

Habang batid nating lahat na ang eleksyon ito ay isang bahagi lamang ng pagtupad ng ating responsibilidad bilang mamamayan.

Kumbaga, installment ng ating mga tungkulin

Parang pagluluton ng tinola, hindi matatapos sa paghiwa lang ng sayote o papaya. Marami pang dapat gawin. Parang pagdadasal, hindi puro sign of the cross at amen, kailangan pa ding kumilos.

Yung other installment? Magsisimula yun pagtapos ng halalan.

Una sa lahat, dapat tiyakin natin na magkakaroon ng eleskyon. Nakahain sa ating harapan ang lahat ng signs na magiging magulo ang elesksyong ito, mula pangangampanya, pagboto hanggang sa pagbibilang, at sa pagpoproklama ng mga totoong nanalo.

Yung Failure of Elections ay parang akyat bahay na nag-aantay lang , malingat tayo.

Pangalawa, dapat tiyakin naman natin na matino ang mga mahahalal. Latag naman ang record ng mga kandidato. Nakita na naman natin ang mga nagawa at hindi nila nagawa.

Kung hindi pa, mag-effort tayong kilalanin sila. At ipakilala sila sa iba.

Ang Kilometer64 Poetry Collective, ay kaisa ng mamamayan na umaasang karapat-dapat ang mga mananalo.

Umaasa tayong mas magiging matalino, mapanuri at mabusisi sa pagpili ang mamamayan.

Hinihikayat namin ang aming mga kaibigan, mga mambabasa at tagapanood ng aming mga pagtatanghal na suportahan sina Satur Ocampo at Liza Maza sa kanilang laban para sa pwesto sa senado.

Gayundin, sa larangan naman ng partylist, ilimita natin ang pagpili mula sa isa sa ACT Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela Womens Party, Kabataan, at Katribu.

Mga tunay na kumakatawan sa kani-kanilang mga sektor.

Muli ang KM64 ay nagpapahayag ng suporta sa mga naunang nabanggit, nakahanda at nakatakdang ipagwagi ang hindi pangkaraniwang pulitikang inaalay nila sa sambayanan.

Isang Tugon to “KM64: Handa at Nakatakda”

  1. Markx Anthony Gucela Hunyo 16, 2010 Sa 2:23 umaga #

    Ano itong Tulagalag?
    “Kasi ako, may tulang nakakulong sa sarili niyang karanasan, naka tanikala sa mga luha at hinagpis ng mga titik na sinlusi kasama ng karayom, mistulang tela nito”y pasakit!”
    tulang tanging guro ay ang mga tanong na sinasagot mismo ng katanungang…..Nasaan?…saan ako pandaliang hihihimlay upang manuot sa ‘kin ang kalayaan?…
    pinanday ito ng lansangan at barung-barong na tahanan,
    mistulang basura ang mga letra’t panitikan nitong,… See More
    patuloy na nangangalingasaw ang katuturan,
    habang malalim mo itong kinakalkal
    bubot lamng ang aking munting tulaan,
    di makapaglakbay, animo’y isang ibong pipit na sugatan,
    nilulumpo ng armadong berdudo ng lipunan,
    nakasalampak sa rehas ng kadiliman,
    naghahanap ng liwanag at kasagutan,
    ang mga titik nitong nabahidan ng karahasan
    at sumisigaw habang tumutulo ang mga luhang
    animo’y isang sanggol, nagsusumamo ng katarungan….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: