Secretary, Kung Sakali

22 Apr

-Mark

secretary,
kung sakaling mga kaanak mo kaya ang i-masaker
ng mga halimaw na hahayaan mong makalipad?
hindi kaya magtangis ka ng sobra-sobra
at ilagay sa kamay mo ang hustisyang
hindi uso sa bayan kong kawawa?
nakikita mo ba ang mga luha sa kanilang mukha?
ang ina na nawalan ng anak
ang ama na nawalan ng kabiyak
ang kapatid na nawalan ng kuya
ang kasintahan na nawalan ng sinta
ang mga anak na nawalan ng magulang
nakikita mo ba?

secretary,
`di ko alam kung saang lupalop mo nahagilap
(ngunit batid ko na may ibinubulong ang palasyo)
ang dahilan sa desisyon mong nagpapanggap
na ika’y tama at sila’y mali.
mali ba’ng maghanap ng hustisya?
mali ba’ng ipagtanggol ang tama?
tama ba silang pumatay ng mga inosente?
tama ba silang pumatay ng marami?
naririnig mo ba ang mga alulong ng pagngingitngit?
ng mga namumuhi sa tulad mong nabibingi
ng mga paang sabik na tadyakan ka
ng mga kamay nagnanais na sakalin ka
ng mga kaluluwang gusto kang sunduin
naririnig mo ba?

secretary,
kung sakaling kami kaya ang maghatol ng hustisya?
matatanggap mo kaya?
`pagkat dito sa bayan kong kawawa
`di uso ang pantay na hustisya.
dahil monopolyado ito ng mga elitista,
at lumalangoy sa dagat ng pera.
silang manhid sa hinaing ng madla
silang tuta ng kapital at kita
silang sumusipsip sa lakas ng iba
silang buwitreng sanay sa pananamantala
`tanto mo ba?

secretary,
sana’y nakatutulog ka sa gabi.

*kay sec. agra, at sa kaniyang desisyong nakapangingitngit ng laman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: