Panalangin Sa Kanilang Nagkasala (para sa P.U.P. 5)

4 Apr

Ni Kislap Alitaptap
31 Marso 2010/0032H

Minamahal naming Ama,
Na may lalang ng langit at lupa.
Ikaw na Ama ng hustisya,
Ikaw na Ama ng pagkalinga sa Aba.

Ama, sila po ay nagkasala
Sa ilalim ng batas na nilikha
Ng tao, dito sa kalawakan ng lupa.
Mga pagkakasalang `di nila itinatanggi, Ama.

Gaya ng kanilang pagtutol sa pagtaas ng matrikula,
Gaya ng kanilang pagtutol sa pagpapasara,
Ng nag-iisang pahayagan sa kanilang eskwela,
Gaya ng kanilang pagpaloob sa organisasyong masa,

Gaya ng kanilang pagsusulat sa pisara
Ng panawagang “Libro hindi Bala!”
At gaya ng kanilang paglahok sa mga kilos-protesta.
Patawarin mo po sila, Ama.

Sa kabila ng kanilang mga pagkakasala, Ama.
Hinihiling ko po, na sana’y sila’y iyong samahan doon sa selda,
Upang protektahan sa mga rehas ng pag-aalipusta
At upang panatilihin silang ligtas, sa gabi at umaga.

Muli, patawarin mo po sila, Ama.
Kung sa lilim ng pagbabanta at paghahabla,
Ay patuloy nilang panghawakan ang kanilang pagkakasala;
Gaya ng `yong ginawa, sa ngalan ng hustisya at pagkalinga sa Aba. #

Photo: Da Catalyst

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: