Kayo Naman Ngayon, PUP 5

30 Mar

-Mark Angeles

Abriel Mansilungan, Chaser Soriano, Ferrin Umagat, Judy Anne Fabito, at Piem Canela—kung anong mayroon kayo na wala ako

ay mas mabigat ngayon sa anumang aking naabot

sa pagtitindig ng mga tula para sa katarungan.

Habang nagkakasya ako sa paghimas ng mga rehas na bakal

bilang dalaw, kayo ngayon ay naghihintay ng bisita at balita

mula sa mga kasamahan sa labas.

Hindi ba’t mas nagbibigay ngayon ng ngiti

ang balitang mas maaliwalas ang langit na inyong inaabot

sa bawat pagtaas ng kamao? Bawat sigaw

ay alingaw na umaabot sa mga daluyan ng puso

ng inyong mga kamag-aral para sila sipain

pabalik mula sa nakakikiwang na ilusyon ng normal na buhay-

iskolar ng bayan.

Nasa sa inyo ang pumpon ng aking papuri

na hindi bulaklak, kundi mga sinag

ang siyang pinamumukadkad; peligroso,

makislap tulad ng inosenteng mga mata ng isang musmos

na apoy sa kalan na bumubughaw sa kainaman.

Anang isang nagsusuri, nabasa ninyo raw mula sa kung saan,

A revolution is not a tea party. Totoo naman.

Ang rebolusyon ay hindi isang tea party.

Hindi ito isang kiddie party. Hindi ito isang pajama party.

Ang rebolusyon ay isang party na may K.

Ang rebolusyon ay isang pagsugod sa kampo ng kaaway.

At kayo, Kasamang Abriel, Kasamang Chaser, Kasamang Ferrin, Kasamang Judy Anne, at Kasamang Piem, ang mga guidon ng aming platoon. Kayo ang nagbabandila ng aming giting at kabayanihan.

Hindi ninyo lang nabasa ang rebolusyon sa mga aklat.

You live it. You live it with us.

Kaming mga nagwu-walkout. Kaming mga nag-i-ED.

Kaming mga nagpipiket at nagka-caravan.

Kaming mga nakikibalita mula sa loob ng mga rehas.

Kaming mga nagha-harvest mula Hacienda hanggang Farmville

Kaming mga nagsasanay sa paglunas ng mga sakit.

Kaming mga nagsasanay sa paglilinis ng riple at rebolber.

Kaming mga masang aktibista.

Kaming mga kandidato at ganap na kasapi.

Kaming mga inactive sa org. Kaming mga nagpamilya.

Kaming mga nag-NGO. Kaming mga nagmigrante.

Kaming mga army reserve ng rebolusyon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: