May Markang Iiwan ang Dagta ng Sineguelas Ngayong Tag-Araw

22 Mar

-Axel Pinpin

Hindi tayo binibigo ng hangin
na hagunot kung humihip galing Silangan,
kaya maski parang kumukulong aspalto
ang hininga ng bukid ngayong Marso
ay kinakaligkig pa rin tayo sa katanghaliang tapat.

Nakayukong animo’y ayaw tumunghay sa langit
ang itim na hayup ni Kuya Bayani sa parang.
Matiyagang naghihintay sa kumpay
at maligamlam na tubig sa timba
at walang pagtutol ang hayup
sa anumang higpit at gigil na pagpisil
sa kanyang mga suso tuwing umaga
para may maihatid na kasilyo
sa mga kanto ng panaderya sa Bayan.

Sa likod-bahay sa may kural
ay ang puno ng Sineguelas
na nanlalagas pala ang dahon kung tag-araw.

Nanlalagas ang dahon para mamunga.
Mamunga ng tamis at pakla.

At pagkatapos balibangin ng mga bata
ang hitik nitong bunga,
at pagpistahan ng lupa ang nanlaglag nitong tamis
ay babalik muli ang mga dahon.

Katulad ng mga Kasamang martir
na nalagas sa pagrerebolusyon.

Markado ng iyong alaala ang aming tag-araw.

_________
*kumpay – damo para sa hayup tulad ng kalabaw at baka. (eng. fodder)
*kasilyo – kesong-puti
*balibangin – pagbato sa bunga ng isang puno na gamit ang putol na kahoy

2 Tugon to “May Markang Iiwan ang Dagta ng Sineguelas Ngayong Tag-Araw”

  1. how to sell your iphone Nobyembre 26, 2012 Sa 12:55 hapon #

    I go to see day-to-day some web sites and information sites to read articles or reviews, however this blog gives quality based content.

  2. webpage Hulyo 2, 2013 Sa 10:08 hapon #

    Hmm is anyone else experiencing problems with the pictures
    on this blog loading? I’m trying to determine if its a problem on my end or if it’s the blog.

    Any suggestions would be greatly appreciated.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: