CARIÑO-REVOLUCIONARIO

25 Jun

ni Axel Pinpin

Parang malambot na kutson
sa inaantok kong mata
ang tambak ng natuyong dahon
sa likod-bahay ng magsasakang nasa Kampuhan sa lungsod.
Inaasam na ganito rin ang ating kama
tuwing uuwi ako
sa mahabang pagliban sa mga halik at yakap mo.

Nagkamali ka
noong isipin mong hindi ko na ito hinahanap.
Naaamoy ko ang labi mo
sa bawat pinyang tinatalupan sa baryo.
Sing-init ng kape
kung umagang-walang-almusal
ang yakap mong
may ilang buwan na nang huli kong mahuli
at mabitag sa aking mga bisig.
Mas malimit nang manukso
ang angil at lambing
sa pakikibaka ng masa, hindi pagkagiliw sa iyo,
para magpalukso sa aking puso at dugo.
Mas kapana-panabik
ang umiigting na digma, hindi ang libog,
na abutin ang sukdulan.

Batid kong hindi ka na kayang pangitiin
ng tamis ng salita.
Hindi ka na kikiligin
sa mga tula ng pag-ibig
na itinutugma ko sa paglaya.
Sasabihin mo na namang
sa Bayan na lamang ako makipagtalik.

Oo, hindi ikaw ang una sa buhay ko.
Sana ako’y hindi rin sa ‘yo.

____________________
Mayo 29, 2009
Ika-47 Araw ng Kampuhang Magsasaka Para sa Tunay na Repormang Agraryo
Lungsod ng Quezon

“Binigkas ko sa WordJam! Spoken Word Festival ng CCP na may pamagat na Angal at Atungal, June-24. Sa unang pagkakataon hindi ako umangal at umatungal habang tumutula. Umiibig din ang mga rebolusyunaryo. Matapat na umiibig.”

Isang Tugon to “CARIÑO-REVOLUCIONARIO”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: