Usapan (ang Kakaibang Eksenang Normal na sa Kanayunan)

13 Jun

ni dj Raymundo

Sa pagdating
Aking napansin
Kausap si Islaw kalabaw nitong isang Mang Gusting

Isang kumustahan
Ng magkaibigang taon nang magkapiling:

Mang Gusting:
Wag ka sanang datnan agad
Ng gutom at pagal
Kailangang makarami
Para ani’y dumoble

Islaw Kalabaw:
Paumanhin po
Ngunit pagod na ako
Sa maghapong araro
nagsimula alas-singko
at ngayon silipin ang iyong relo
sinasabi’y menus singko
bago mag-alas kuwatro
tanghalian ba’y limot mo?

Mang Gusting:
Hindi ba sapat sayo
Ang tubig at damo
Kaninang miryenda mo
Kasabay nito’y ako
Nginunguya tinapay na kapiraso
At iniinom ang tubig sa may lamat na baso

Islaw Kalabaw:
Sobra naman amo
Kung sapat iyon para sayo
Sa maghapong pagkakayuko
Sa maghapong aking pagararo
Sa maghapon nating trabaho
Konting paghabol ng hinga po
Ang hanap ng katawan ko

Mang Gusting:
Hindi pupuwede tayo’y huminto
Sa ginta ng trabaho
`yan ang pakiusap ko
sapagkat nabaon sa utang
pati dalaga ko’y tau-tauhan
ng among gahaman
sa kita at hatian
laging nakalalamang

Islaw Kalabaw:
Ako’y nahahabag
Sa kalagayang parang bihag
Ngunit ako may `di na kayang sumuwag
Dahil sampung taong walang pitlag
Hila-hila’y ararong kakarag-karag

Mang Gusting:
Unawa ko ang kalagayan mo
Sapagkat taon na rin ating pagsasalo
Ang hindi ko maisip at hindi rin matanto
Kung bakit parang Malabo
Kalagayan ay mabago?
Kaya’t pagtatalo’y ihinto
Magsimula at bumalik sa pagtatarabaho
Panahon kasi ngayo’y `di kalkulado
Baka dumating ang bagyo
Pananim ay delikado:
aning palay `di mababayo
gayundin ang buhay ko

Sa pagalis
Ako’y naiinis
Sa usapang mabilis
na`di umabot ng alas-seis
Itong kamustahan
Ng dalawang magkaibigan
Aking nasaksihan
At nagbigay kamulatan
Sa tunay na kalagayan
Ng magsasaka sa kanayaunan
Problema sa lupang daan taon ng pasan
Tanging solusyon ay kolektibong paglaban
Sa kapiyudalan at pangangamkam
Ng mga naghahariharian.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: