STATUS MESSAGE

12 Jun

Ni Rustum Casia

 

Pwede bang paminsan minsan,

kahet ngayun lang,

wag muna nateng pag-usapan kung gaano ka katalino,

kung gano kataas ang iyong IQ,

kung sinong matinee idol ka nung 80’s,

kung anung sexual position ka,

kung gaano mo kakilala si ganoon at ganito,

kung gaano ka katunay na lalake.

 

O, kung ano ang suot mong panty,

kung ano ang kinakain mo,

kung saan ka pupunta mamaya,

kung gaano kasakit ang ulo mo,

kung ano ang bibilhin mo pag tumigil na ang ulan,

at kung gaano kabagal ang connection sa iyong pinag-iinternetan.

 

Wag muna natin asikasuhin ang mafia wars.

 

Isang lider magsasaka sa Dumagete ang pinaputukan sa ulo.

Hindi na nakapagpalit ng damit

matapos magbitbit ng anti Chacha na streamer.

 

Katarungan kay Ka Fermin Lorico.

Pwede bang ito ang maging status mo?

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: