ni Gerald Gravela
Isa akong Pilipino.
Nakatira ako sa Pilipinas.
Masarap manirahan dito.
Alam mo kung bakit?
Kase dito sa Pilipinas pinakamasarap ang bawal.
Pero ano nga ba ang bawal?
Sino ba ang nagtatakda kung ano ang bawal?
Bawal ba ang pinagbabawal?
O bawal na hindi gawin ang ipinagbabawal?
Bawal ang magsinungaling.
Pero pag nagsabi ka ng totoo, makukulong ka.
Bawal ang magnakaw.
Pero pag may mga dokumento ka at bayarang testigo, lusot ka.
Bawal ang tuligsain ang gobyerno.
Pero kung papuri ang iyong sasabihin, televised ka pa sa nbn 4.
Bawal rin ang gahaman sa kapangyarihan.
Pero kung kaibigan ka nila, pwedeng umabuso.
Bawal dito ang tama.
Bawal rin ang mabait.
Ang lungkot isipin, di ba?
Pero sana meron pa rin tayong magagawa.