Asukal

30 Apr

ni C Nuyles

Pinatatamis mo
Ang aking bawat umaga
Sa sangkutsarang
Inihahalo ko sa isang tasang kape
At sa ilang kurot na ikinakalat
Sa margarinang ipinalalaman
Sa aking tinapay.
Ang iyong mga butil
Ay mga salaming
nagbalik ng kulay
sa aking paningin.
Tulad rin sila ng buhangin
Na natutunaw sa paghampas
Ng mga alon, humahalo
Sa kabuuan ng dagat.
Hiyas ka ng munting tubo
Na sinalinan ng buhay, kalinga
At pawis ng magbubukid.
Sangkap ka ng arnibal
Na inihahalo sa inagahang taho
Ng minamadaling
Mga katawan sa pagawaan.
Lasa mo ang nagpapasarap
Sa inuming palamig na pumapawi
Sa kapagalang idinulot
Ng maghapong paglalakad sa lansangan.
Tanod kang nagbabantay
Upang maging malaya
Sa pagkamamad ang aking panlasa
Sa kapaklaan ng buhay.

Salamat kung gayon,
Sa katamisan mong inihanay.

Tinuruan mo akong
Tikman ang pulot
Sa talinghaga ng iyong bawat kristal.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: