Pasay

30 Jul

ni Tine

Sa kalagitnaan
ng maingay at maalikabok na lungsod,
namasdan ko
ang mukha ng demonyo.

Pula ang mata
at gusot ang damit,
humabol, sumabit, kumapit
sa kumakaripas na dyip.

Tinangay ang cellphone
ng mga pasaherong hapis
Nilimas ang kita
ng alila ng langis

Hindi nakapalag
hindi nakalaban
sa tulisang
may kalawanging patalim

sa kabang masaksak
at sa tetano’y unti-unting makitil.

Sa kalagitnaan
ng mga bulok at lumang gusali
namasdan ko ang mukha ng demonyo

Nakapiring na mata
at mamahalin ang damit,
humabol, sumabit, kumapit
sa kumakaripas na dyip

ng mga pamantasang
nagpupumilit mag-increase

Tinangay ang kabuhayan,
dangal at perang inutang,
nilimas ang mga pangarap
ng mga alila ng merkado

Hindi nakapalag,
hindi nakalaban
sa kalawanging patalim
ng tulisang estado

sa mabagal, masalimuot
at madugong pagpaslang
sa kakarampot na karapatan
ng mamamayan.

Sa kalagitnaan
ng hirap, gutom at dusa
namasdan ko
ang mukha ng estado.

*binigkas noong Hunyo 3 sa isang “cultural
protest” sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon (U.P. Diliman) bilang
pagtutol sa papatinding komersyalisasyon ng edukasyon – sa porma ng
pagtaas ng matrikula at iba’t-ibang bayarin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: