Grocery list ni Gloring (o, kung bakit ayoko ng mahinang beer)

15 Jul

-Maureen Gaddi dela Cruz

Buwis na ipinapataw sa 750 ml na bote ng Emperador Brandy: P8.65
 
Bilang ng mga manipulado o dinayang boto sa eleksyon sa Basilan noong 2004 : 3 sa bawat 4 na boto
 
***
Halaga ng nakaw na yaman na inipon ng pamilya Marcos sa Swiss banks, mula 1966 – 1986: $356 million
 
Kabuuang halaga ng NBN-ZTE project: $329.5 million
 
***
Halaga ng “bar-jer” sa “Barger stand” ni Benjamin Abalos sa Wack-wack: P40 kada isa
 
Buwis na ipinapataw sa Ginebra San Miguel bilog: P2.60 sa bawat bote
 
Buwis na ipinapataw sa mga pribado at eksklusibong sementeryo: WALA
 
***
Kabuuang halaga ng CyberEducation project, na iminungkahi kasabay ng NBN-ZTE deal (sa ilalim nito ay magkakaroon daw ng TV sa bawat public school, at magsasagawa ng live satellite broadcasts upang ituro ang mga leksyon): $456 million
 
Bilang ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na walang kuryente: 7,350
 
***
Halaga ng inihaw na pusit sa may kanto ng Recto: P10 kada stick
 
Parusa para sa pagkain sa restawran nang hindi nagbabayad, kung hindi lalagpas ng P200 ang halaga ng kinain : 2-6 na buwang pagkakakulong
 
Halaga ng chocolate buffet sa Manila Peninsula: P500 kada tao
 
Buwis na ipinapataw sa mga regional headquarters ng multinational corporations: WALA
 
***
Kabuuang halaga ng jueteng money na kinamal ng dating pangulong Joseph Ejercito Estrada, ayon sa desisyon ng Sandiganbayan: P4,097,804,173.17
 
Kickback na ipinangako kay Romulo Neri mula sa NBN-ZTE deal: P200 million
 
***
Parusa para sa opisyal ng gobyernong tumanggap o humingi ng suhol: 6-10 taong pagkakakulong at multang katumbas ng hindi bababa sa 3 beses ng halagang isinuhol
 
Parusa para sa biyudang muling nagpakasal bago makalipas ang 301 araw mula sa pagkamatay ng asawa: 1-6 na buwang pagkakakulong at multang hindi lalagpas sa P500
 
Parusa para sa biyudang nagdadalang-tao nang namatayan ng asawa at nagpakasal muli bago makapanganak: 1-6 na buwang pagkakakulong at multang hindi lalagpas sa P500
 
***
Kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila, as of June 14, 2008 : P382 bawat araw
 
Halaga ng isaw sa tapat ng Kalayaan Dorm sa UP Diliman: P2 kada stick
 
Halaga ng Philippe Starck-designed salt and pepper shaker set sa isang exclusive home boutique sa Makati: P12,000
 
***
Bilang ng mga biktima ng demolisyon o puwersahang paglilikas sa taong 2007: 10,376
 
Bilang ng mga biktima ng enforced disappearances mula 2001-2007: 185
 
Bilang ng mga biktima ng extrajudicial killings mula 2001-2007: 888
 
***
Halaga ng isang condominium unit sa The Fort: P7-20 million
 
Parusa para sa pagnanakaw ng mga niyog mula sa isang plantasyon o isda mula sa isang fishpond, kung ang ninakaw ay may halagang P50-200: 2 buwan hanggang 2 taon at 4 na buwang pagkakakulong
 
Parusa sa asawang sinaksak ang asawa dahil nahuling nakikipagtalik sa iba: WALA
 
VAT na ipinapataw sa bawat bote ng Red Horse Stallion: P2.05
 
 
…Sinasabi ko na nga ba, kaya ayoko ng mahinang serbesa.

                    

Sources: “Shame of the Nation” occasional papers series of the UP Center for Integrative and Development Studies, Philippine Daily Inquirer and www. inquirer.net, Republic vs. Sandiganbayan (Supreme Court decision – G.R. No. 152154, July 15, 2003), People vs. Estrada (Sandiganbayan decision – Criminal case No. 26558, September 12, 2007), Karapatan 2007 Human Rights Report, Revised Penal Code, National Wages and Productivity Commission website, National Internal Revenue Code

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: