Tibak

15 Jun

ni Glaiza Dimapilis

Tulad ng isang batang na sa unang beses ay natutong magsalita ang pakiramdam ko sa una kong pagsama sa kilos protesta ng mga kapwa ko kabataan. Parang sa unang pagkakataon ay nabuksan ko ang aking bibig, nakapagsalita at sumigaw para sa ipinaglalabang karapatan ng maliliit na mamamayan.

Doon ko nakilala ang mga kapwa ko estudyante na piniling pagsabayin ang pag-aaral at paglilingkod sa kapwa, sa masa. Kaming mga estudyante na pinagkakakitaan ng mga unibersidad dahil sa komersyalisadong edukasyon na kahit ang pamahalaan ay walang magawa kundi makiusap lamang na wag magtaas ng matrikula. Walang ngipin ang gobyerno para sa mga ganitong pagsasamantala.

Nakilala ko din ang mga magsasaka, sila na sinasabing nakinabang at makikinabang sa CARP, ang pekeng reporma sa lupa! Karamihan sa kanila ay walang sariling lupang sinasaka, mga pinagnakawan ng mga panginoong may lupa.

Nandoon din ang mga manggagawang halos makuba na sa mahabang oras ng pagtatrabaho na hindi naman sapat ang kanilang kinikita kapalit ng kanilang pinagtrabahuhan.

Mayroon din doong mga doktor, abugado, at mga nakatapos ng pag-aaral na sa kabila ng ginhawa sa buhay ay sumasama sa mga rally para sa kanilang kapwa at susunod na henerasyon.

Mataas ang respeto ko sa kanila, sila na hindi makasarili at naninindigan para sa kapwa at sa tama.

Oo, madalas akong nasa mga ganitong pagkilos at dito ko nakita ang kabuluhan ng buhay ko, ang maglingkod sa kapwa. Siguro mahirap intindihin, at ang iba pa nga ay nag-aakusa. Inaamin kong naging kapalit nito ay ang normal na buhay ko gaya ng sabi mo. Sinabi mo rin na dadating ang panahon at lilipas din ito, pagtanda ko ay isa rin ako sa mga katulad nio na magiging propesyunal at makakalimot sa aking paninindigan.

Dito ko natutunan na makiramay sa mga masang api at ipagtanggol ang akin at kanilang karapatan na hindi lingid sayo ay isa ka rin sa mga nakinabang at makikinabang sa ipignalalaban namin tulad ng karapatan sa edukasyon, makataong sahod, katotohanan at hustisya.

At sa kabila ng lahat naging kapalit nga pagiging tibak ko, wala akong ni katiting na pagsisisi gaya nga ng sinabi ko, dito nabuo ang pagkatao ko at ito ang katuturan ng buhay ko – ang maglingkod at makibaka para sa masa, para sa bayan. Ayan ang prioridad ko -Diyos at bayan.

Related post

2 Tugon to “Tibak”

  1. ashintaro Hunyo 17, 2009 Sa 5:00 umaga #

    hi glaiza, nagustuhan ko ang iyong layunin sa pagpoprotesta, ngunit hindi u ba alam na ang paglaban sa pamahalaan ay isa ring kasalanan? sila ang mga taong itinalaga ng Dios upang mamuno sa ating bayan. kaya mararapat lang na atin silang igagalang….kon meron mn silang mga pagkukulang sa taong bayan, yun, ay tao din sila…di natin maisisi kung may ganun sa pamahalaan, at dapat i-accept natin ang realidad na sila ay tao..at hindi perpekto…..kaya kung may maitutulong ka man, ay suportahan nlng natin ang ating pamahalaan, dahil alam ko na hindi lahat ng ginagawa nila ay puro pagpapahirap sa taong bayan.

    • therevolutionisnotapicnic Hulyo 29, 2009 Sa 3:28 umaga #

      hi ashintaro. Magandang araw sa’yo kababayan. Ang paglaban mismo sa pamahalaan ng walang kadadaan ay isang kasalanan, ang pagsisimula ng isang away na walang katuturan ay isang kasalanan. Ikaw ang tatanungin ko, sa palagay mo ba ay ginusto din ng Diyos na ang bayan natin ay maghirap? Na maraming mamatay na gutom at mangmang? Na ang yaman ay mapunta sa iilan lamang? Na ang pinakamasisipag at pinakapagod na mamamayan ay hindi makakain at mabaon sa utang? Sa aking palagay, marapat at makaDiyos lamang ang labanan ang kasalukuyang pamahalaan, na walang pagpapanggap na ninanakawan ang sambayanan at ninanakaw, pinipiga ang sipag at lakas at talino ng mga karaniwang mamamayan. Katulad ng ginawa ni Hesu Kristo ng panahon na siya ay nabubuhay pa. Nilabanan niya ang mapangaping kaayusan na umiiral sa kanyang panahon, upang maghasik ng mga aralin at salitang magmumulat sa mga mamamayan, at siya mismo ay nagbuwis ng buhay para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: