KALENTONG

-Rustum Casia

Sa isang panahong
pinag-aawayan sa loob ng jeep
na may plakang
Tanggo,
Bravo,
Charlie 701-
ang student at senior discount

pati na ang singkwenta sentimos
na sukling nalimutang ibigay-

Nakatakdang ibulsa
ng ilang greedy group
at isang couple
ang multi milyong patong.

Ganitong milyon kay ganito.
Ganoong milyon kay ganoon.

And so on, and so on.

At ang ating pina-uusapan
ay hindi milyong palakpakan
o milyong confetti
o multi milyong plankton.

We’re talking in dollars.
Millions.

Multi milyong singwenta sentimos
na hindi maibibigay
sa mga mamamayang
habangbuhay nag-aantay ng sukli.

 

1 thoughts on “KALENTONG

Mag-iwan ng puna