BUNTONG HININGA..

23 Mar

-Boyet de Mesa

Nakakaiinip, nakakabato…
Mag-antay ng pagbabago
Lagi na lang bang ganito
Buhay natin di na ba mababago?

Nakakasawa na rin ang ruta sa araw-araw
Kayod kabayo, kayod kalabaw
Ang araw ay naging gabi
Ang gabi ay naging araw
Pero lagi namang uhaw
Sahod ko’y di maipantawid-uhaw

Sa taas ng presyo,
Langis at serbisyo
Walang humpay, walang gatol
Tuloy-tuloy, walang putol

Susmaryosep…ano ba to?!…
Mamamatay ka ng dilat sa gutom

Hay…ay yay..yayyyy

Buti na lang may pag-asa
Habang may hininga
Buti na lang may pag-asa
May mga nakikibaka

Bakit nga ba ganito?
Bakit nga ba ganito?!

Eto na, eto na… sumabog na…
mga eskandalo sa palasyo
Milyon-milyong dolyar, kinokorakot ng pangkat ng sindikato
Taong bayan ay nilulunod sa kumunoy ng kahirapan.

Busabos natin kalagayan
Ay mayrong may kagagawan
api nating kalagaya’y pinagpapasasaan
iilan ang nakikinabang, sating pinagpaguran

Buti na lang may pag-asa
Habang may hininga
Buti na lang may pag-asa
Buti nalang may mga kasama

Buti na lang may rali
Nakakahinga ng konti’
Lakad, takbo, hinto
Kahit sikat ng araw ay nakakapaso
Ulan may bumuhos, tuloy parin ang pagkilos

Buti na lang may rali
Nakakahinga ng konti
Nabubusog ang diwa
Sa mga talumpati at talinghaga,
Sa mga awit at tula,
Mamamaya’y, dumadami’t tumutula

Oy oy oyyyy!

Buti na lang may pag-asa
Habang may hininga
may pag-asa,
hangga’t nagkakaisa

uso pa ang rali.. (makibaka, wag matakot!!!)
people power ay sindi
hindi magsasawa, hindi mawawala
hindi mauupos, hindi mauubos

magtutuloy-tuloy at yumabong
nag-iipon ng opinyon,
ang opinyon ay nagiging bastyon
hanggang mapatalsik ang mga buhong

ha..haha haha

lalagi’t may rali..
tinig ng mga api
sa saliw ng huni ng mga ibon sa nayon
awit na mapagpalaya sa mga bayan ay aalon

hanggang, handa na ang madla
hanggang , handa na ang madla
sa huling mga rali
hustisya ang mamamayani

la.. la. la…

Hanggang sa susunod na rali

Marso 2008

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: