Pinakamataas na Pagpupugay kay Jemalyn Lacadin

18 Mar

Ngayong araw na ito, ika-18 ng Marso, ay ihahatid na ng kanyang pamiliya, ilang mga kaibigan, at sampu ng kanyang mga kaanak si Jemalyn Lacadin sa kanyang huling himlayan. Namatay siya sa edad na 24. 

Si Jemalyn o  Jema para sa karamihan ng mga nakakakilala sa kanya ay  tubong Tarlac. Bata pa lamang si Jema ay kinakitaan na sila ng angking talino at galing sa pagsusulat. Nuong si Jema ay nasa ikatlong taon  pa lamang ng  high school sa Tarlac State University  Laboratory School ay naging kolumnista siya ng The Work Jr., ang  opisyal na pahayagan ng mga estudyante ruon. Nuong siya magtapos ng highschool ay nakatangggap ito ng karangalang pang-akademiko. 

Nuong 2000, pumasok si Jema sa kursong BS Management sa  UP Extension Program in Pampanga at naging kasapi sa  sorority na Sigma Delta Pi at naging manunulat ng Frontliner, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng UPEPP. Isa rin si Jema sa mga nagbigay ng panibagong sigla sa College Editors Guild of the Philippines-Central Luzon bilang coordinator Pampanga Chapter nuong 2001. Nuong sumunod na taon, ay naging Founding Officer siya ng Solidaridad, isang alyansa ng mga manunulat pang-kampus ng UP System. 

Maagang nagagagap ni Jema ang kalagayan ng kabataang estudyante sa Gitnang Luson kaya’t masigla itong lumahok at nag-organisa sa hanay ng mga kapwa estudyante sa UP Clark laban sa sa napipinto pa lamang nuon na pagtaas ng matrikula sa UP at pagtaas ng tuition sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa rehiyon.  Nanguna rin ito sa pagtutol sa implementasyon ng Revitalized General Education Program ng UP na naglalayon umano na bigyang kalayaan ang mga estudyante na pumili ng kanilang mga GE na kukunin. Subalit sa simula pa lamang ay nakita na ng mga tumututol dito na maaring mapag-iwanan o maging “undersubscribed”  ang mga higit na importanteng kurso nagbibigay ng mga importanteng kasanayan at yaong mga kurso nagtatanim ng makabayan na prinsipyo sa mga mag-aaral ng UP dahil tiyak na pipiliin ng mga estudyante yaong mga mas madadali na GE. 

Aktibo ring nakilahok si Jema sa mga kampanya sa pagpapatalsik sa dating pangulong Joseph Estrada sa ilalim ng Estrada Resign Youth Movement. 

Hindi nagpakulong si Jema sa apat na sulok ng klasrum kaya pinili niyang  makipamuhay sa mga magsasaka ng Pampanga at Tarlac at itampok ang kanilang kalagayan sa kanyang mga tula at panulat. 

Nuong March 10, 2008, isang araw ng matapos ang Araw ng mg Kababaihan,  dinala ng SOCO ang malamig na bangkay ni Jema sa Enriquez Funeral Parlor sa Tarlac City. Ayon sa inisyal na report, natagpuan raw ang bangkay ni Jema sa Barangay Burgos,  San Jose,  Tarlac. Hinala ng marami, mga sundalo ng 102nd Army Brigade ang pumaslang kay Jema. 

Samantala, sinasabing walang naisagawang awtopsi sa bangkay ni Jema, o kung mayroon man, ay itinago ang resulta nito. Hinala ng marami ay nasira ang mukha ni Jema  dahil pinili ng kanyang pamilya na isara ang kanyang kabaong at huwag itong ipakita sa mga nakikiramay na kaibigan at kaanak.  

Nakakalungkot ding isipin na mahigpit may mag umaaligid na mga  militar nuong burol ni Jema. Bagay na nakakapagpapigil sa mga kaibigan at dating kasamahan ni Jema na makadalo at makapagbigay ng kanilang huling respeto sa kanya.  Ang biglaang pag-iba ng petsa ng kanyang libing ang natatanging dahilan kung bakit hindi nakadalo ang mahigit pa sa isandaang mga tao na nais maghatid kay Jema sa kanyang huling hantungan. 

Maraming nagmamahal kay Jema at lubos ang aming kalungkutan sa kanyang maagang paglisan. Ang kanyang alalala sa mga kasamahang manunulat at sa mga magsasaka na kanyang nakasalamuha at labis na minahal ay hindi kailan man malilimot.   

2 Tugon to “Pinakamataas na Pagpupugay kay Jemalyn Lacadin”

  1. martin Pebrero 25, 2012 Sa 6:31 umaga #

    hindi ko mapapatawad ang gumawa sayo ng ganung kabrutal na pagpapahirap ate jem…:( nasa diyos ang kanilang mga parusa..

Trackbacks/Pingbacks

  1. KAY JEMA, KASAMANG DI PERSONAL NA KAKILALA AT SA PICTURE LANG NAKITA « asteroid b-612 - Abril 15, 2008

    […] Jema, turuan kami, kaming lahat na ang pagsusulat ay katulad ng dasal- di sasapat. –  pinakamataas na pagpupugay.. Posted in Poetry […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: