Amok

28 Jan

-Mark Angeles

Dapithapon iyong kulay-kahel ang langit
tulad noong pinipiko ng mga bomba
ang mga naitindig sa lupa.
 
Nahuhulog ang mga tao mula sa langit
na tulad ng inilalaglag na mga bomba,
tila binibinhian ang lupa.
 
Pagkatapos ay napayapa ang langit:
naimpis sa ulan ng mga bomba.
Basag na salamin ang lupa.
 
Nahimbing ang mga tao, sa langit
muling kumislap ang mga bomba,
hindi makapagbabang-luksa ang lupa.
 
Pilit na inaabot ang hangganan ng langit
ng mga taong nananaginip ng bomba.
Hindi sila makaalagwa mula sa lupa.
 
Bumuka ang kulay-kahel na langit
at nilamon ang isang batalyong bomba.
Bumuntong-hininga ang lupa.
 
Kumapit ka, mariing sambit ng langit
na tinunaw sa bibig ang mga bomba,
hindi ko hahayaang magunaw ang lupa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: