NAHAN KA NA

8 Oct

Noel Sales BarcelonaPatuloy kitang hinahanap
kahit dulo man lamang ng anino
ang masilayan.

Pilit na inaapuhap
sa lumang polo (blusa) at pantalon (palda) mo
ang halimuyak na nakagawian nang samyuin.

Gabi-gabi,
sa bawat pagpupumilit na umidlip –
nananalangin ako sa kung Sinuman
na ibalik ka sa akin.

Kahit man lamang
ituro ang kinaroroonan mo.
Kahit malaman ko na may pintig pa ang puso mo.
Dumadaloy pa ang iyong dugo sa iyong ugat, laman at utak.

Nahan ka na nga ba?

Nahahagip lamang ng alaala
ang huling sandali ng pagkikita
bago ka salakabin
ng mga nagkukubling anino sa singit ng dilim at liwanag.

Nahan ka na nga ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: