PAHAYAG SA PAG-IPIT SA PAGPAPALABAS NG RIGHTS

21 Sep

Mariing kinokondena ng UP SINING AT LIPUNAN (UP SILIP) ang pahayag mula sa MTRCB na pagkakategorya bilang X-Rated sa RIGHTS : isang koleksyon ng mga public service announcements mula sa iba’t ibang filmmakers.

Ayon sa MTRCB, makaisang panig at pagmamaliit sa pamahalaan ang nilalaman ng naturang maiikiling vidyo kaya’t di ito nararapat na maipalabas sa publiko. Tampok sa mga vidyo na ito ang mga pananaw ng mga artista’t filmmaker sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao-mga sapilitang pagkawala, pulitikal na pamamaslang, pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Ngunit ang bawat artista ay may kalayaang pumili ng nais niyang panigan. Sa pagkakataong ito, sa mga biktima–ang mamamayan.

Ang ganitong uri ng paniniil ay isang paghadlang sa karapatan at kalayaan ng mga alagad ng midya at ng sining na magpahayag. Marahil ay takot lamang ang mga institusyong ito na makita ang tunay na mga kaganapang sila mismo ay ayaw nilang harapin at tugunan.

Naniniwala ang UP SILIP na ang pelikula ay isang makapangyarihang porma ng sining at nararapat lamang na magsilbi ito sa panlipunang pagbabago. Kaya naman bagkus na censorship, pagkilala at pagpupugay ang dapat ihandog sa grupo ng mga filmmakers na ito na ginamit ang kanilang sining para ipamalas ang katotohanan.  At sa  ganitong mga insidente ng represyon, higit lamang nilang pinupukaw ang pagnanais ng mga artista’t filmmaker na patuloy na lumikha, magsiwalat at magmulat.

Ipagtanggol ang mga karapatang pantao!

Ipagtanggol ang kalayaan ng sining at ng pamamahayag!

Sumipat at mamulat.

UP SINING AT LIPUNAN

Isang Tugon to “PAHAYAG SA PAG-IPIT SA PAGPAPALABAS NG RIGHTS”

  1. Shonta Nobyembre 24, 2012 Sa 4:18 hapon #

    dami? nmn atang tv n sergio sa opisina??. ilang estasyon ba pnapanood nya??….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: