ISANG UMAGA

13 Sep

Isang Umaga

ni usman abdurajak sali

Parang umuugoy na talahib ang hanay nila isang umaga.
May hamog sa dahon. Mag-aalmusal pa lang ang mga maya.

Tahimik ang mga punong mangga. Ang mga mata umaasinta.
Lahat sila dinibdiban ng kaba. Mga baguhan lamang sila.

Nangingitim ang paparating na pulutong ng mga “musang”.
Maiilap ang mata. Lakad nakayukyok. Sanay sa pagpaslang.

Ngunit sa umagang iyon, ang tinutugis hindi na nakatiis.
Kahit mga baguhan sila. Kahit dinibdiban sila ng kaba.

Gabi pa nang dumating ang pasabi. Maghanda may kaaway.
Gabi pa lamang pumakat na sa ilalim ng mga punong mangga.

Mga baguhan sila. Dinibdiban ng kaba. Pero handang-handa.
Kaya nang bumulwag ang mga “musang”, hindi sila nabigla.

Isa dalawa tatlo. Humudyat ang pinuno. Nabigla ang mga puno.
At nang lumubay ang putukan, ang mga “musang” ay nagbagsakan. 

Nawala ang tikas ng mga “musang”. Ang iba pa’y nagtakbuhan.
NaWala ang kaba ng mga baguhan. Hindi na sila naninibago.

“Magdala kayo ng maraming bigas,” wika ng isang magsasaka.
“Salamat po ‘tay,” sagot ng iskwad-lider. Aatras na sila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: