PAHIWATIG

26 Jul

Pahiwatig
Nina Calleja

Nakamasid ako sa manhik-manaog
Niyang pagkabalisa.
Inaabangan ko ang kanyang lungkot
Na karaniwan niyang ibinubungkos sa loob
Ng kanyang pamandong
O ang galit na madaling sumiksik
Sa ugatin niyang kamay

Halos ganoon rin siya nung nakaraang bagyo,
Ngunit, kakaiba ngayon,
Di malisan ng kanyang mga mata
Ang labas ng durungawan
Gayong tahimik kung lumampas
Ang hangin sa aming pananim,
Wala ring namumugtong langit.

Iniilagan ko ang talim
ng kanyang mga mata
kinikilatis niya ang bawat aninong
Mapapagawi– sa bagong salta
O kahit sa kaibigan.

At parang dasal na paulit-ulit
Niyang inuusal ,
“Dalawampung taon, dalawampung taon!”

Bukas, susunugin
Ang aming kubo’t pananim

Kasabay ng pagkalat-kalat
Ng abuhing ulirat ni Amang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: