MAY PAG-ASA PA BA ANG PILIPINAS?

26 Jul

MAY PAG-ASA PA BA ANG PILIPINAS?
krayzhe

Kawawang Pilipinas, hindi makaalpas,
Sa gapos ng paghihirap na ngayo’y dinaranas.
May pag-asa bang ang bayan ko’y uusad?
Pagkat pilit hinahatak palayo sa pag-unlad.

Isa ka na rin ba sa mga taong nagsasawa na?
Nagtataka, Nagtatanong kung saan tayo ppnta?
Mas gugustuhin mo rin bang pumanig sa wala?
O magpapagamit sa mga taong sarili lang ang nakikita?

Pagbukas mo ng tv, makikita mo silang nag-aaway.
Sa radyo naman, kanya-kanyang nag-aaksaya ng laway.
Pati sa mga dyaryo, sila pa rin ang bida.
Bayan kong Pilipinas, nahahati na ba talaga?

Minsan nga’y gusto ko nang maniwala sa sumpa,
Pagkat kalamidad at trahedya’y nakikisabay pa,
Magulo na ang politika, pinaparusahan pa ng kalikasan,
Hagulgol ni Inang Bayan, hindi nyo pa rin ba pakikinggan?

Ayokong isipin ang masamang kahihinatnan,
Ng bayan kong binabayo ng kamalasan,
Naniniwala pa rin ako na tayo’y makakabangon,
Pagkat bayan kong Pilipinas, pinatatag na ng panahon..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: