Parokya ni Gloria

11 Jul

Parokya ni Gloria

Ernesto Ramos

Sinubaybayan ko ang iyong pag-iral

Tinalunton ang hirap na painagmulan

Ngunit tanong lamang ang isinilang

Nang kasalukuyan mong kalagayan

Sa panimula mo’y tangan-tangan

Mga paniniwala at kamulatan

Na nagdala sa iyo sa tagumpay

Sa piniling anyo at larangan

Di na mabilang pagkakakilanlan

San man makarating ay inaabangan

Dagsa ng tao ay hindi matawaran

Simula ng di-mapigil na tugtugan

Ngunit palaging pakatatandaan

Gloria man ay may katapusan

Minsang inabot ganyang karangalan

Dahil sa kapalalua’y nagtimbuwang

Masarap man ang ingay at kantahan

Tungkuli’y di dapat kalilimutan

Sining ma’y dapat ding makatwiran

Sa kalagayan at kapakinabangan

Kasaysyan mo’y sa kanila nagmula

Mananahan kung paglingap di-mawala

Madagdagan man ng sanlibong pabuya

Landas mo’y madla pa rin ang magtatakda…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: