Hagok

5 Jul

Hagok

Mark Angeles 

No one can really understand another person.

If we did, we will never be lonely

-The Banquet

Mabigat ang dibdib niya: tila may

paang nakadagan.

Katabi niya sa kama ang kanyang

kabiyak.

Ipininid ng kabiyak ang lahat

ng lagusan

ng silid

kaya’t sa loob ng ilang oras

tanging hinga

ng isa’t isa

ang siya nilang hinihinga.

Katatapos lamang bumuhos ng ulan.

Inisip niya: busug na busog

ang alulod.

Ito marahil ang kabilang mukha

ng pagpapatiwakal—

inisip niyang tulad ito ng hagdan.

Ibig niyang hagkan ang kabiyak

sa gitna ng bagwis nito

sa noo

ngunit nanatili itong nakatalikod.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: