PAGPASLANG KAY FARLY ALCANTARA

21 Feb

PAGPASLANG KAY FARLY ALCANTARA, BAHAGI NG “OPENSIBA” NG 902ND BRIGADE LABAN SA HANAY NG MGA PROGRESIBO

–DIRTY SHOES RECORDS 

Mariing kinokondena ng Dirty Shoes Records ang pinakahuling kaso ng pagpaslang sa isang lider-estudyante na kasapi ng League of Filipino Students (LFS). Si Farly Alcantara, ika-14 na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa probinsya ng Camarines Norte, ay binaril ng isang armadong lalaki sa harap ng Camarines Norte State College sa bayan ng Daet bandang 9:45 ng gabi nitong Pebrero 15, 2007.

Naganap ang pamamaslang ilang araw matapos hayagang ianunsyo ni Brig. Gen. Nestor Sadiarin, pinuno ng 902nd Brigade, 9th Infantry Division-PA, ang “opensiba” laban sa mga progresibong partylist at mga militanteng oraganisasyon na inaakusahan nitong mga “legal fronts” ng CPP-NPA-NDF.

Ipinangangalandakan ni Gen. Sadiarin ang diumano’y listahan ng mga “susuportahang progressive partylist” ng CPP-NPA-NDF at mga pulitikong nagbibigay diumano ng pera kapalit ng Permit-to-Campaign (PTC) ng NPA na nakuha ng militar sa pakikipaglaban sa NPA sa Labo, Camarines Norte at sa Pilar, Sorsogon.

Ginagamit ni Gen. Sadiarin at ni Capt. Noel Marquez ng CRS-CRU-AFP ang inimbentong listahan upang malisyosong iugnay ang mga progresibong partylist sa rebolusyunaryong kilusan at gawin itong sangkalan ng lantarang pag-atake sa kanilang hanay.

Ang pagpaslang kay Farly Alcantara ay bahagi ng “kampanyang anti-partylist” ng rehimeng Arroyo upang wasakin o di kaya’y pilayin ang mga progresibong partylist, pigilan ang kanilang tiyak na panalo sa halalan sa Mayo, at hadlangang makapwesto ang dagdag na mga progresibo sa Kongreso na dagdag na pwersa para mapatalsik si Gloria Macapagal-Arroyo sa isang impeachment.

Batay sa dokumento ng AFP na “SPECIAL SOT PROJECT: COUNTER PARTY-LIST AT THE BARANGAY COUNCIL (12 MONTHS IMPLEMENTATION)”, garapal na makikialam ang AFP sa halalan hanggang sa antas barangay upang hadlangang manalo ang mga progresibong partylist at lantarang ikakampanya ng AFP ang mga kaibigang partylist tulad ng ANAD, VFP, at AKAP.

Sukdulan ang pagkasuklam ng rehimeng Arroyo sa mga progresibong partylist at mga militanteng organisasyon at desperado itong manatili sa kapangyarihan kung kaya’t mas lalong patitindihin ng rehimen ang paninira, pang-iintriga, panghaharas at pisikal na eliminasyon ng mga lider at kasapi sa hanay ng mga progresibo bago sumapit ang reaksyunaryong halalan sa Mayo 2007.

Dapat papanagutin ang Cabinet Oversight Committee on Internal Security (COC-IS) at ang Anti-Terrorism Task Force ng Malakanyang sa bawat kaso ng pampulitikang pamamaslang. Ang mga grupong ito ang utak, nagdidirehe, nag-aapruba, at nagpopondo sa mga pampulitikang pamamaslang na isinasakatuparan ng mga death squad ng dibisyon hanggang antas batalyon ng militar sa buong bansa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: