NAPULITIKA

27 Jan

Napulitika

Tula ni tokugawa_iyasu

Si Maria Magdalena
Naparatangang masama,
Sa pagpuputa raw humihinga.
Kay Maria Magdalena,
Turing ay kahiya-hiya.

Bato ang ipinukol sa kasuklam-suklam,
Mga nagbato nama’y napukol ng kapwa kahihiyan.
Bato at putik ay nagliliparan.

Mga nakatunghay, bagsak-panga
Sa pagkalito’t pagtataka
May kinuha nga ba’t nawawala?
O may di matagpuan sa pagbubulag-bulagang
Ginagawa?

Si Maria Magdalena, napulitika.
Habang nakikipagputakan,
May nabubuhay sa kawalang-imik;
Naiwang naloko, nanakawan, nadaya.
Naghihintay na lang ng susunod na Maria…

…sino ngayon ang kawawa?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: