BINYAGANG BAYAN

14 Jan

BINYAGANG BAYAN

Tula ni tokugawa_iyasu

Sino nga ba’ng tapat na makapagsasabi
Ng tunay na ngalan ni babae
Kung lahat ng kinalak’hay pawang mga hiram?

Si Inang, siyang kamit ng pag-samo ni Amang
Upang apelyido ay siya’y mapaglagakan
Nang sa gayo’y lipi aymanatili sa kasaysayan
Si Ate, magdadalaga dala ang ngalan ni Amang
Para lamang sa pag-aasawa’y, hayaan
Itong muli na mapalitan;
`Di tulad ni Kuya, na tunay itong angkin
Bilang pamana, na ilalahad
Sa pag-usbong ng mga susunod pang pamilya.

Si Lola nama’y may katawagan nga,
Ngunit ‘di naman turing ng sariling kalalangan
Kung’di pagpupugay lamang sa mga kinatandaan.
Habang si Aling at Manang,
na mayroon mang simpleng kaganapan,
Sambit naman dito’y minsanan
At ang panuring ay mala-dayuhan.

Sa kinatagala’y kawalan nito’y tuluyang nakasanayan
Pati mga panakip-butas na palayaw
Naging mga mabababaw na pagkakakilanlan
Ngunit sa pagbabago ng panahon
Nananatili ang dito’y pangangailangan.
Hamon na kaytagal nang nag-iintay matugunan

Paano natin siya bibinyagan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: