LAYON NATIN ANG KANILANG PAGLAYA

2 Apr

LAYON NATIN ANG KANILANG PAGLAYA
Alexander Martin Remollino

Hinahangad natin tulad ng pag-asam ng mga puno at halaman
sa pagbuhos ng ulan
ang kanilang pag-alpas mula sa kadena ng kasaysayan.
At ganito natin hahangarin ito
kahit hindi na ialok sa atin
ang isang baul na ginto at nagkikislapang mga brilyante.

Sapagkat nakapinta sa lona ng ating mga isip
ang mga taling-pusod na sa ati’y nagbigay ng hininga,
ang mga sinapupunang sa ati’y nagluwal.
Para nating hindi ipinagpasalamat ang buhay na bigay sa atin
kundi sila kasama sa ating ipinakikitalad.

At dahil alam nating pasan nila ang higit sa kalahati ng langit,
batid nating totoong di lubos ang paglaya kundi sila kasama,
batid nating tunay na kapos ang kasaysayan kundi sila lalaya.
At di kalahating katubusan lamang ang ating layon
kundi lubos na katusan, lubos na katubusan!

Kaya’t hindi kailangang ialok sa atin ang isang baul
na ginto at nagkikislapang mga brilyante
upang asamin natin tulad ng paghahangad ng mga puno’t halaman
sa pagbuhos ng ulan
ang kanilang pag-alpas mula sa kadena ng kasaysayan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: